Isaias 24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Paparusahan ni Yahweh ang Sanlibutan
24 Ang daigdig ay wawasakin ni Yahweh,
sasalantain niya ang mga lupain at pangangalatin ang mga tao.
2 Iisa ang sasapitin ng lahat—mamamayan at pari,
alipin at panginoon;
alila at may-ari ng bahay,
nagtitinda't namimili,
nangungutang at nagpapautang.
3 Mawawasak ang daigdig at wala nang papakinabangin dito;
mangyayari ito sapagkat sinabi ni Yahweh.
4 Matutuyo at malalanta ang lupa,
manghihina ang buong sanlibutan.
Ang langit at ang lupa ay mabubulok.
5 Sinira na ang daigdig ng mga naninirahan dito
dahil sinuway nila ang katuruan ng Diyos;
at nilabag ang kanyang mga utos;
winasak nila ang walang hanggang tipan.
6 Kaya susumpain ng Diyos ang daigdig,
at magdurusa ang mga tao dahil sa kanilang kasamaan,
mababawasan ang mga naninirahan sa lupa;
kaunti lamang ang matitira sa kanila.
7 Mauubos ang alak,
malalanta ang ubasan,
ang mga nagsasaya'y daranas ng kalungkutan.
8 Ang masayang tugtog ng tamburin ay hindi na maririnig;
titigil na ang ingay ng mga nagsasaya;
mapaparam ang masayang tunog ng alpa!
9 Mawawala na rin ang pag-iinuman ng alak sa saliw ng awitan,
ang alak ay magiging mapait sa panlasa.
10 Magulo ang lunsod na winasak;
ang pintuan ng bawat tahanan ay may harang upang walang makapasok.
11 Sa mga lansangan ay sumisigaw sila dahil kulang ng alak,
nawala na ang kagalakan at nauwi sa kalungkutan;
lahat ng kasayahan ay napawi sa lupa.
12 Naguho na ang buong lunsod,
ang pinto nito'y nagkadurug-durog.
13 Ganyan din ang mangyayari sa lahat ng bansa sa buong daigdig;
parang puno ng olibo matapos lagasin ang bunga,
tulad ng ubasan matapos ang anihan.
14 Silang nakaligtas ay aawit dahil sa kagalakan,
mula sa kanluran ay kanilang dadakilain si Yahweh.
15 Pupurihin siya doon sa silangan,
at ipagbubunyi ang pangalan ni Yahweh,
ang Diyos ng Israel, sa baybayin ng dagat.
16 May awit ng pagpupuring maririnig, maging sa pinakamalalayong dulo ng daigdig,
bilang papuri sa Diyos na Matuwid.
Ngunit ang sabi ko naman, “Nalulungkot ako.
Nasasayang lamang ang panahon. Wala na akong pag-asa.
Patuloy ang panlilinlang ng mga taksil.
Palala nang palala ang kanilang pagtataksil.”
17 Mga tao sa daigdig, naghihintay sa inyo
ang matinding takot, malalim na hukay, at nakaumang na bitag.
18 Sinumang tumakas dahil sa takot,
sa balong malalim, doon mahuhulog.
Pag-ahon sa balon na kinahulugan,
bitag ang siyang kasasadlakan.
Sapagkat mabubuksan ang durungawan ng langit,
at mauuga ang pundasyon ng daigdig.
19 Ang daigdig ay tuluyang mawawasak,
sa lakas ng uga ito'y mabibiyak.
20 Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray
at kubong maliit na hahapay-hapay,
sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay,
tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.
21 Darating ang araw na paparusahan ni Yahweh
ang hukbo ng kasamaan sa himpapawid,
gayundin ang mga hari dito sa daigdig.
22 Tulad ng mga bilanggo,
ihuhulog silang sama-sama sa isang malalim na balon;
ikukulong sila sa piitang bakal,
at paparusahan pagkaraan ng maraming araw.
23 Mawawala ang liwanag ng araw at buwan,
at maghahari si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,
sa Bundok ng Zion, at sa Jerusalem.
Doo'y mahahayag ang kanyang kaluwalhatian, sa harap ng mga pinuno ng bayan.
Isaias 24
Ang Biblia (1978)
Ang hatol ng Panginoon sa mga bansa.
24 Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon.
2 At mangyayari, (A)na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.
3 Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman; sapagka't sinalita ng Panginoon ang salitang ito.
4 Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina.
5 (B)Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, (C)sinira ang walang hanggang tipan.
6 Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao.
7 Ang bagong alak ay (D)pinabayaan, ang puno ng ubas ay nalanta, lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga.
8 Ang saya (E)ng mga pandereta ay naglikat, ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas, ang galak ng alpa ay naglikat.
9 Sila'y hindi magsisiinom ng alak na may awitan; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon.
10 (F)Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak: bawa't bahay ay nasarhan, upang walang taong makapasok doon.
11 May daing sa mga lansangan dahil sa alak; lahat ng kagalakan ay naparam, ang kasayahan sa lupa ay nawala.
12 Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak.
13 Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na (G)gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng (H)pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani.
14 Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, (I)sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.
15 Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y (J)ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (K)sa mga pulo ng dagat.
16 Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! (L)ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.
17 Takot, (M)at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.
18 At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan (N)sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay (O)umuuga.
19 Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.
20 Ang lupa ay (P)gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; (Q)at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.
21 At mangyayari, (R)sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang (S)mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.
22 At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.
23 Kung magkagayo'y malilito (T)ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang (U)Panginoon ng mga hukbo ay maghahari (V)sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.
Isaiah 24
King James Version
24 Behold, the Lord maketh the earth empty, and maketh it waste, and turneth it upside down, and scattereth abroad the inhabitants thereof.
2 And it shall be, as with the people, so with the priest; as with the servant, so with his master; as with the maid, so with her mistress; as with the buyer, so with the seller; as with the lender, so with the borrower; as with the taker of usury, so with the giver of usury to him.
3 The land shall be utterly emptied, and utterly spoiled: for the Lord hath spoken this word.
4 The earth mourneth and fadeth away, the world languisheth and fadeth away, the haughty people of the earth do languish.
5 The earth also is defiled under the inhabitants thereof; because they have transgressed the laws, changed the ordinance, broken the everlasting covenant.
6 Therefore hath the curse devoured the earth, and they that dwell therein are desolate: therefore the inhabitants of the earth are burned, and few men left.
7 The new wine mourneth, the vine languisheth, all the merryhearted do sigh.
8 The mirth of tabrets ceaseth, the noise of them that rejoice endeth, the joy of the harp ceaseth.
9 They shall not drink wine with a song; strong drink shall be bitter to them that drink it.
10 The city of confusion is broken down: every house is shut up, that no man may come in.
11 There is a crying for wine in the streets; all joy is darkened, the mirth of the land is gone.
12 In the city is left desolation, and the gate is smitten with destruction.
13 When thus it shall be in the midst of the land among the people, there shall be as the shaking of an olive tree, and as the gleaning grapes when the vintage is done.
14 They shall lift up their voice, they shall sing for the majesty of the Lord, they shall cry aloud from the sea.
15 Wherefore glorify ye the Lord in the fires, even the name of the Lord God of Israel in the isles of the sea.
16 From the uttermost part of the earth have we heard songs, even glory to the righteous. But I said, My leanness, my leanness, woe unto me! the treacherous dealers have dealt treacherously; yea, the treacherous dealers have dealt very treacherously.
17 Fear, and the pit, and the snare, are upon thee, O inhabitant of the earth.
18 And it shall come to pass, that he who fleeth from the noise of the fear shall fall into the pit; and he that cometh up out of the midst of the pit shall be taken in the snare: for the windows from on high are open, and the foundations of the earth do shake.
19 The earth is utterly broken down, the earth is clean dissolved, the earth is moved exceedingly.
20 The earth shall reel to and fro like a drunkard, and shall be removed like a cottage; and the transgression thereof shall be heavy upon it; and it shall fall, and not rise again.
21 And it shall come to pass in that day, that the Lord shall punish the host of the high ones that are on high, and the kings of the earth upon the earth.
22 And they shall be gathered together, as prisoners are gathered in the pit, and shall be shut up in the prison, and after many days shall they be visited.
23 Then the moon shall be confounded, and the sun ashamed, when the Lord of hosts shall reign in mount Zion, and in Jerusalem, and before his ancients gloriously.
Isaiah 24
New International Version
The Lord’s Devastation of the Earth
24 See, the Lord is going to lay waste the earth(A)
and devastate(B) it;
he will ruin its face
and scatter(C) its inhabitants—
2 it will be the same
for priest as for people,(D)
for the master as for his servant,
for the mistress as for her servant,
for seller as for buyer,(E)
for borrower as for lender,
for debtor as for creditor.(F)
3 The earth will be completely laid waste(G)
and totally plundered.(H)
The Lord has spoken(I) this word.
4 The earth dries up(J) and withers,(K)
the world languishes and withers,
the heavens(L) languish with the earth.(M)
5 The earth is defiled(N) by its people;
they have disobeyed(O) the laws,
violated the statutes
and broken the everlasting covenant.(P)
6 Therefore a curse(Q) consumes the earth;
its people must bear their guilt.
Therefore earth’s inhabitants are burned up,(R)
and very few are left.
7 The new wine dries up(S) and the vine withers;(T)
all the merrymakers groan.(U)
8 The joyful timbrels(V) are stilled,
the noise(W) of the revelers(X) has stopped,
the joyful harp(Y) is silent.(Z)
9 No longer do they drink wine(AA) with a song;
the beer is bitter(AB) to its drinkers.
10 The ruined city(AC) lies desolate;(AD)
the entrance to every house is barred.
11 In the streets they cry out(AE) for wine;(AF)
all joy turns to gloom,(AG)
all joyful sounds are banished from the earth.
12 The city is left in ruins,(AH)
its gate(AI) is battered to pieces.
13 So will it be on the earth
and among the nations,
as when an olive tree is beaten,(AJ)
or as when gleanings are left after the grape harvest.(AK)
14 They raise their voices, they shout for joy;(AL)
from the west(AM) they acclaim the Lord’s majesty.
15 Therefore in the east(AN) give glory(AO) to the Lord;
exalt(AP) the name(AQ) of the Lord, the God of Israel,
in the islands(AR) of the sea.
16 From the ends of the earth(AS) we hear singing:(AT)
“Glory(AU) to the Righteous One.”(AV)
But I said, “I waste away, I waste away!(AW)
Woe(AX) to me!
The treacherous(AY) betray!
With treachery the treacherous betray!(AZ)”
17 Terror(BA) and pit and snare(BB) await you,
people of the earth.(BC)
18 Whoever flees(BD) at the sound of terror
will fall into a pit;(BE)
whoever climbs out of the pit
will be caught in a snare.(BF)
The floodgates of the heavens(BG) are opened,
the foundations of the earth shake.(BH)
19 The earth is broken up,(BI)
the earth is split asunder,(BJ)
the earth is violently shaken.
20 The earth reels like a drunkard,(BK)
it sways like a hut(BL) in the wind;
so heavy upon it is the guilt of its rebellion(BM)
that it falls(BN)—never to rise again.(BO)
21 In that day(BP) the Lord will punish(BQ)
the powers(BR) in the heavens above
and the kings(BS) on the earth below.
22 They will be herded together
like prisoners(BT) bound in a dungeon;(BU)
they will be shut up in prison
and be punished[a] after many days.(BV)
23 The moon will be dismayed,
the sun(BW) ashamed;
for the Lord Almighty will reign(BX)
on Mount Zion(BY) and in Jerusalem,
and before its elders—with great glory.(BZ)
Footnotes
- Isaiah 24:22 Or released
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

