Add parallel Print Page Options

Ang Pahayag tungkol sa Jerusalem

22 Ito ang pahayag tungkol sa Libis ng Pangitain:

Anong nangyayari sa inyo?
    Bakit kayong lahat ay nagdiriwang sa bubong ng inyong mga bahay?
Ang buong lunsod ay nagkakagulo;
    punô ng ingay at kasayahan.
Ang mga anak mo'y namatay hindi sa pamamagitan ng espada;
    hindi sila nasawi sa isang digmaan.
Nagsitakas nang lahat ang inyong mga pinuno
    ngunit nahuling walang kalaban-laban.
Ang lahat ninyong mandirigma ay nabihag na rin
    kahit nakatakas na at malayo na ang narating.
Kaya sinabi ko,
“Pabayaan ninyo ako!
    Hayaan ninyong umiyak ako nang buong pait;
huwag na kayong magpumilit na ako'y aliwin,
    dahil sa pagkawasak ng aking bayan.”

Sapagkat ito'y araw
    ng kaguluhan, pagyurak at pagkalito
    na itinalaga ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,
    sa Libis ng Pangitain.
Araw ng pagpapabagsak ng mga pader;
    araw ng panaghoy na maririnig sa kabundukan.
Dala ng mga taga-Elam ang kanilang mga pana,
    sakay ng kanilang mga karwahe at kabayo,
    at dala naman ng mga taga-Kir ang kanilang kalasag.
Ang magaganda ninyong libis ay puno ng mga karwahe,
    at sa mga pintuan ng Jerusalem ay nakaabang ang mga kabayuhan.
Durog na ang lahat ng tanggulan ng Juda.

Kapag nangyari ito, ilabas ninyo ang mga sandata mula sa arsenal. Sa araw na iyon nakita ninyo na maraming sira ang tanggulan ng Lunsod ni David at nag-imbak kayo ng tubig mula sa ibabang tipunan. 10 Binilang ninyo ang mga bahay sa Jerusalem at giniba ninyo ang ilan sa mga iyon upang gamitin ang mga bato sa pagpapatibay sa pader ng lunsod. 11 Gumawa kayo ng imbakan ng tubig sa pagitan ng dalawang pader, at pinuno ninyo iyon ng tubig mula sa Lumang Tipunan. Ngunit hindi ninyo naisip ang Diyos na siyang nagplano nito noon pang una at nagsagawa nito.

12 Nanawagan sa inyo si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,
    upang kayo'y manangis at managhoy,
    upang ahitin ninyo ang inyong buhok at magsuot ng damit-panluksa.
13 Ngunit(A) sa halip, nagdiwang kayo at nagpakasaya,
    nagpatay kayo ng tupa at baka
    upang kainin, at nag-inuman kayo ng alak.
Ang sabi ninyo:
“Kumain tayo at uminom,
    sapagkat bukas, tayo'y mamamatay.”

14 Ganito ang ipinahayag sa akin ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:

“Ang kasalanang ito'y hindi ipapatawad sa inyo, hanggang sa kayo'y mamatay.”

Babala Laban kay Sebna

15 Ganito ang sabi sa akin ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon:

“Puntahan mo si Sebna,
ang katiwala ng palasyo
    at sabihin mo sa kanya:
16 ‘Anong karapatan mong pumarito?
    Sinong nagpahintulot sa iyo na humukay ng sariling libingang bato na inukab sa gilid ng bundok?
17 Sino ka man ay dadamputin ka ni Yahweh
    at itatapon sa malayo!
18 Parang bola kang dadamputin at ihahagis sa malayong lupain.
Doon ka mamamatay, sa tabi ng ipinagmamalaki mong mga karwahe,
ikaw ang nagdadala ng kahihiyan sa sambahayan ng iyong panginoon.’
19 Aalisin kita sa iyong katungkulan,
    palalayasin kita sa iyong kinalalagyan.
20 Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,
si Eliakim na anak ni Hilkias.
21 Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan,
ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,
siya ang magiging ama ng mga taga-Jerusalem at ng mga taga-Juda.
22 Ibibigay(B) ko sa kanya ang susi ng sambahayan ni David;
walang makakapagsara ng anumang buksan niya,
at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya.
23 Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda,
    itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar,
    at siya'y magiging marangal na trono sa sambahayan ng kanyang ama.”

24 Sa kanya maaatang ang lahat ng kaluwalhatian ng sambahayan ng kanyang ama. Ang kanyang mga kamag-anak ay sa kanya aasa, parang mga sisidlan, mga kopa at palayok na nakasabit. 25 “Kung magkagayon,” ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “mababali ang sabitan at malalaglag. At ang lahat ng nakasabit doon ay madudurog.”

22 The burden of the valley of vision. What aileth thee now, that thou art wholly gone up to the housetops?

Thou that art full of stirs, a tumultuous city, joyous city: thy slain men are not slain with the sword, nor dead in battle.

All thy rulers are fled together, they are bound by the archers: all that are found in thee are bound together, which have fled from far.

Therefore said I, Look away from me; I will weep bitterly, labour not to comfort me, because of the spoiling of the daughter of my people.

For it is a day of trouble, and of treading down, and of perplexity by the Lord God of hosts in the valley of vision, breaking down the walls, and of crying to the mountains.

And Elam bare the quiver with chariots of men and horsemen, and Kir uncovered the shield.

And it shall come to pass, that thy choicest valleys shall be full of chariots, and the horsemen shall set themselves in array at the gate.

And he discovered the covering of Judah, and thou didst look in that day to the armour of the house of the forest.

Ye have seen also the breaches of the city of David, that they are many: and ye gathered together the waters of the lower pool.

10 And ye have numbered the houses of Jerusalem, and the houses have ye broken down to fortify the wall.

11 Ye made also a ditch between the two walls for the water of the old pool: but ye have not looked unto the maker thereof, neither had respect unto him that fashioned it long ago.

12 And in that day did the Lord God of hosts call to weeping, and to mourning, and to baldness, and to girding with sackcloth:

13 And behold joy and gladness, slaying oxen, and killing sheep, eating flesh, and drinking wine: let us eat and drink; for to morrow we shall die.

14 And it was revealed in mine ears by the Lord of hosts, Surely this iniquity shall not be purged from you till ye die, saith the Lord God of hosts.

15 Thus saith the Lord God of hosts, Go, get thee unto this treasurer, even unto Shebna, which is over the house, and say,

16 What hast thou here? and whom hast thou here, that thou hast hewed thee out a sepulchre here, as he that heweth him out a sepulchre on high, and that graveth an habitation for himself in a rock?

17 Behold, the Lord will carry thee away with a mighty captivity, and will surely cover thee.

18 He will surely violently turn and toss thee like a ball into a large country: there shalt thou die, and there the chariots of thy glory shall be the shame of thy lord's house.

19 And I will drive thee from thy station, and from thy state shall he pull thee down.

20 And it shall come to pass in that day, that I will call my servant Eliakim the son of Hilkiah:

21 And I will clothe him with thy robe, and strengthen him with thy girdle, and I will commit thy government into his hand: and he shall be a father to the inhabitants of Jerusalem, and to the house of Judah.

22 And the key of the house of David will I lay upon his shoulder; so he shall open, and none shall shut; and he shall shut, and none shall open.

23 And I will fasten him as a nail in a sure place; and he shall be for a glorious throne to his father's house.

24 And they shall hang upon him all the glory of his father's house, the offspring and the issue, all vessels of small quantity, from the vessels of cups, even to all the vessels of flagons.

25 In that day, saith the Lord of hosts, shall the nail that is fastened in the sure place be removed, and be cut down, and fall; and the burden that was upon it shall be cut off: for the Lord hath spoken it.