Font Size
Isaias 22:12-14
Ang Biblia (1978)
Isaias 22:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At nang araw na yao'y (A)tumawag ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, sa pagiyak, at sa pagtangis, at (B)sa pagkakalbo, at sa pagbibigkis ng kayong magaspang.
13 At, narito, kagalakan at kasayahan, pagpatay ng mga baka at pagpatay ng mga tupa, pagkain ng karne, at paginom ng alak: (C)Tayo'y magsikain at magsiinom, sapagka't bukas tayo ay mangamamatay.
14 At ang Panginoon ng mga hukbo ay naghayag sa aking mga pakinig, Tunay na ang kasamaang ito ay hindi malilinis sa inyo hanggang sa kayo'y mangamatay, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978