Add parallel Print Page Options

10 At inyong binilang ang mga bahay ng Jerusalem, at inyong iginiba ang mga bahay upang patibayin ang kuta.

11 Kayo'y nagsigawa naman ng tipunang tubig (A)sa pagitan ng dalawang kuta para sa tubig ng dating tangke. Nguni't hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito, o nagpakundangan man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na.

12 At nang araw na yao'y (B)tumawag ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, sa pagiyak, at sa pagtangis, at (C)sa pagkakalbo, at sa pagbibigkis ng kayong magaspang.

Read full chapter