Add parallel Print Page Options

Paparusahan ng Diyos ang Damasco at ang Israel

17 Ganito(A) ang pahayag ni Yahweh tungkol sa Damasco:

“Mawawala ang Lunsod ng Damasco,
    at magiging isang bunton na lamang ng mga gusaling gumuho.
Kailanma'y wala ng titira sa mga lunsod ng Siria.
    Magiging pastulan na lamang siya
    ng mga kawan ng mga tupa at baka at walang mananakot sa kanila.
Mawawasak ang mga tanggulan ng Efraim,
    babagsak ang kaharian ng Damasco.
Matutulad sa sinapit ng Israel ang kapalarang sasapitin ng malalabi sa Siria.”
Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

“Sa araw na iyon
    maglalaho ang kaningningan ng Israel,
ang kanyang kayamanan ay mapapalitan ng kahirapan.
Matutulad siya sa isang triguhan
    matapos gapasin ng mga mag-aani.
Matutuyot siyang gaya ng bukirin sa Refaim
    matapos simuting lahat ng mga mamumulot.
Ilang tao lamang ang matitira sa lahi ng Israel,
    matutulad siya sa puno ng olibo na pinitas ang lahat ng mga bunga,
at walang natira kundi dalawa o tatlong bunga
    sa pinakamataas na sanga,
apat o limang bunga
    sa mga sangang dati'y maraming magbunga.”
Ito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.

Sa araw na iyon lalapit ang mga tao sa Lumikha sa kanila, sa Banal na Diyos ng Israel. Hindi na nila papansinin ang mga altar na sila na rin ang gumawa. Hindi na sila magtitiwala sa mga diyus-diyosang Ashera o sa mga altar na sunugan ng insenso na inanyuan ng kanilang mga kamay. Sa araw na iyon, iiwan ng mga tao ang iyong mga lunsod. Tulad ng nangyari sa mga lunsod ng mga Hivita at Amoreo[a] noong dumating ang mga Israelita.

10 Kinalimutan ninyo ang Diyos na nagligtas sa inyo,
    at hindi na ninyo naaalaala ang Bato na inyong kanlungan,
sa halip, gumawa kayo ng mga sagradong hardin
    na itinalaga ninyo sa isang diyus-diyosan,
    sa paniniwalang pagpapalain niya kayo.
11 Ngunit kahit tumubo man ang mga halaman
    at mamulaklak sa araw na inyong itinanim,
wala kang aanihin pagdating ng araw
    kundi pawang sakuna at walang katapusang kahirapan.

Tatalunin ang mga Kaaway na Bansa

12 Ang ingay ng napakaraming tao
    ay parang ugong ng karagatan.
Rumaragasa ang mga bansa
    na parang hampas ng mga alon.
13 Nagkakaingay ang mga bansa na tulad ng daluyong ng tubig,
    ngunit pinigil sila ng Diyos, at sila'y tumakas,
parang alikabok na inililipad ng hangin sa ibabaw ng burol
    at dayaming tinatangay ng ipu-ipo.
14 Sa gabi'y magsasabog sila ng sindak
    ngunit pagsapit ng umaga'y wala na sila.
Ganyan ang mangyayari sa mga umaapi sa atin,
    iyan ang sasapitin ng mga nagnakaw ng ating mga ari-arian.

Footnotes

  1. 9 mga Hivita at Amoreo: Sa ibang manuskrito'y makahoy at maburol na bukirin .
'Isaias 17 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Proclamation Against Syria and Israel

17 The (A)burden[a] against Damascus.

“Behold, Damascus will cease from being a city,
And it will be a ruinous heap.
[b]The cities of (B)Aroer are forsaken;
They will be for flocks
Which lie down, and (C)no one will make them afraid.
(D)The fortress also will cease from Ephraim,
The kingdom from Damascus,
And the remnant of Syria;
They will be as the glory of the children of Israel,”
Says the Lord of hosts.

“In that day it shall come to pass
That the glory of Jacob will [c]wane,
And (E)the fatness of his flesh grow lean.
(F)It shall be as when the harvester gathers the grain,
And reaps the heads with his arm;
It shall be as he who gathers heads of grain
In the Valley of Rephaim.
(G)Yet gleaning grapes will be left in it,
Like the shaking of an olive tree,
Two or three olives at the top of the uppermost bough,
Four or five in its most fruitful branches,”
Says the Lord God of Israel.

In that day a man will (H)look to his Maker,
And his eyes will have respect for the Holy One of Israel.
He will not look to the altars,
The work of his hands;
He will not respect what his (I)fingers have made,
Nor the [d]wooden images nor the incense altars.

In that day his strong cities will be as a forsaken [e]bough
And [f]an uppermost branch,
Which they left because of the children of Israel;
And there will be desolation.

10 Because you have forgotten (J)the God of your salvation,
And have not been mindful of the Rock of your [g]stronghold,
Therefore you will plant pleasant plants
And set out foreign seedlings;
11 In the day you will make your plant to grow,
And in the morning you will make your seed to flourish;
But the harvest will be a heap of ruins
In the day of grief and desperate sorrow.

12 Woe to the multitude of many people
Who make a noise (K)like the roar of the seas,
And to the rushing of nations
That make a rushing like the rushing of mighty waters!
13 The nations will rush like the rushing of many waters;
But God will (L)rebuke them and they will flee far away,
And (M)be chased like the chaff of the mountains before the wind,
Like a rolling thing before the whirlwind.
14 Then behold, at eventide, trouble!
And before the morning, he is no more.
This is the portion of those who plunder us,
And the lot of those who rob us.

Footnotes

  1. Isaiah 17:1 oracle, prophecy
  2. Isaiah 17:2 So with MT, Vg.; LXX It shall be forsaken forever; Tg. Its cities shall be forsaken and desolate
  3. Isaiah 17:4 fade
  4. Isaiah 17:8 Heb. Asherim, Canaanite deities
  5. Isaiah 17:9 LXX Hivites; Tg. laid waste; Vg. as the plows
  6. Isaiah 17:9 LXX Amorites; Tg. in ruins; Vg. corn
  7. Isaiah 17:10 refuge