Add parallel Print Page Options

16 Mula sa Lunsod ng Sela sa disyerto,
nagpadala ang mga taga-Moab ng mga batang tupa
    bilang regalo sa namamahala sa Jerusalem.
Naghihintay sila sa baybayin ng batis ng Arnon,
    pabalik-balik sa paglalakad na parang mga ibong nabulabog sa kanilang pugad.
Sasabihin nila sa mga taga-Juda:
“Sabihin ninyo sa amin ang aming gagawin;
    at bigyan ng katarungan;
takpan ninyo kami, tulad ng lilim ng punongkahoy
    kapag katanghaliang-tapat,
papagpahingahin ninyo kami
    sa ilalim ng inyong mayayabong na sanga.
Itago ninyo kami sa mga humahabol sa amin;
    kami'y mga takas, huwag ninyo kaming ibigay sa kanila.
Patirahin ninyo kami sa inyong bayan,
    kaming mga pinalayas sa Moab.
Ingatan ninyo kami
    sa nagnanais na pumatay sa amin.”

At lilipas ang pag-uusig,
    mawawala ang mamumuksa,
at aalis ang nananalanta sa lupain.
At dahil sa wagas na pag-ibig, itatatag ang isang trono,
    at uupo doon ang isang hahatol nang tapat;
    magmumula siya sa angkan ni David,
isang tagapamahalang makatarungan,
    at mabilis sa paggawa ng matuwid.

Sasabihin ng mga taga-Juda:
“Nabalitaan namin ang kataasan ng mga taga-Moab,
ang kanilang kasinungalingan at pandaraya,
    ngunit walang saysay ang kanilang kayabangan.”
Kaya tatangisan ng mga taga-Moab ang kanilang lunsod,
    sama-sama silang mananaghoy
dahil sa kanilang paghihirap,
    sa tuwing maaalala nila ang masasarap na pagkain sa Kir-Hareset.
Sisirain ang mga bukiring malapit sa Hesbon,
    at ang mga ubasan sa Sibma,
na pinagkukunan ng alak ng mga pinuno ng mga bansa.
Ubasang abot sa Jazer
    hanggang sa disyerto,
at lampas pa hanggang sa kabila ng dagat.
Kaya tatangisan kong kasama ng Jazer
    ang mga ubasan ng Sibma.
Didiligin ko ng luha ang Hesbon at Eleale
sapagkat wala silang aanihin upang magsaya ang bayan.
10 Maglalaho ang tuwa at kagalakan
    sa kanyang masaganang bukirin.
Titigil ang kasayahan at awitan sa kanyang ubasan.
Wala nang alak na dadaloy sa kanyang pisaan
    at tuluyang matatahimik ang masayang hiyawan.
11 Kaya parang malungkot na himig ng alpa ang aking pagdadalamhati sa sinapit ng Moab.
    Nagdurugo ang puso ko sa sinapit ng Kir-heres.
12 Umahon man ang mga taga-Moab
    sa kanilang mga altar sa mga sagradong burol,
    at magpagod man sila ng pagsamba sa kanilang mga santuwaryo,
wala ring kabuluhan ang kanilang panalangin.

13 Ito ang sabi ni Yahweh noong una tungkol sa Moab. 14 Ngunit ito naman ang sinasabi niya ngayon: “Tatlong taon mula ngayon, malilimas ang malaking kayamanan ng Moab. Sa marami niyang tauhan ay ilan lamang ang matitira at mahihina pa.”

Ang pagsamsam sa Moab.

16 Ipadadala ninyo ang mga (A)kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang, hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.

Sapagka't mangyayari, na gaya ng mga ibong nagsisigala, na gaya ng kalat na pugad, magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng (B)Arnon.

Magpayo ka, magsagawa ka ng kahatulan; (C)iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat: ikubli mo ang mga tapon; huwag mong ilitaw ang palaboy.

Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain.

At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo (D)roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; (E)na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.

(F)Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang (G)kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.

Kaya't aangal ang (H)Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng (I)Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.

Sapagka't ang mga bukid (J)ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa (K)Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.

Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.

10 At ang kasayahan ay naalis, (L)at ang kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan; aking pinatigil ang awitan sa pagaani.

11 Kaya't ang (M)aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares.

12 At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod (N)sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.

13 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab (O)sa panahong nakaraan.

14 Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, (P)na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga.