Add parallel Print Page Options

Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa.

At ang Hesbon ay humihiyaw, (A)at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa (B)Jahas: kaya't ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan.

Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, (C)sa Eglat-selisiyah: sapagka't sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagka't sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan.

Read full chapter

Sa kanilang mga lansangan ay nagbibigkis sila ng damit-sako,
    sa mga bubungan at sa mga liwasan,
    tumatangis ang bawat isa at natutunaw sa pag-iyak.
Ang Hesbon at ang Eleale ay sumisigaw,
    ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jahaz.
Kaya't ang mga lalaking may sandata sa Moab ay sumigaw nang malakas;
    ang kanyang kaluluwa ay nanginginig.
Ang aking puso ay dumadaing para sa Moab;
    ang kanyang mga tao ay nagsisitakas sa Zoar,
    sa Eglat-shelishiya.
Sapagkat sa ahunan sa Luhith
    ay umaahon silang nag-iiyakan;
sa daan patungong Horonaim
    ay humahagulhol sila sa kapahamakan.

Read full chapter

Nakadamit sila ng sako[a] habang lumalakad sa lansangan. Humahagulgol sila sa bubong ng kanilang mga bahay at sa mga plasa. Umiiyak ang mga taga-Heshbon at ang mga taga-Eleale at naririnig ito hanggang sa Jahaz. Kaya ang mga sundalo ng Moab ay sumisigaw sa takot. Nalungkot ako dahil sa nangyari sa Moab. Nagsitakas ang kanyang mga mamamayan papuntang Zoar hanggang sa Eglat Shelishiya. Nag-iiyakan sila habang umaahon papuntang Luhit. Ang iba sa kanila ay humahagulgol patungo sa Horonaim, dahil sa kanilang sinapit.

Read full chapter

Footnotes

  1. 15:3 nakadamit sila ng sako: Tanda ng pagsisisi.