Add parallel Print Page Options

Siya'y umahon sa Bayith, at sa Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa Nebo, at sa Medeba: lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit.

Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa.

At ang Hesbon ay humihiyaw, at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jahas: kaya't ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan.

Read full chapter

Ang anak na babae ng Dibon ay umahon
    sa matataas na dako upang umiyak;
tinatangisan ng Moab ang Nebo at Medeba.
Ang lahat ng ulo ay kalbo,
    bawat balbas ay ahit.
Sa kanilang mga lansangan ay nagbibigkis sila ng damit-sako,
    sa mga bubungan at sa mga liwasan,
    tumatangis ang bawat isa at natutunaw sa pag-iyak.
Ang Hesbon at ang Eleale ay sumisigaw,
    ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa Jahaz.
Kaya't ang mga lalaking may sandata sa Moab ay sumigaw nang malakas;
    ang kanyang kaluluwa ay nanginginig.

Read full chapter