Isaias 14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Babalik ang mga Israelita mula sa Pagkabihag
14 Kaaawaan ng Panginoon ang Israel at muli niyang pipiliin bilang mga mamamayan niya. Muli niyang patitirahin ang mga ito sa sarili nilang lupain, at may mga dayuhang maninirahang kasama nila. 2 Tutulungan ng ibang bansa ang Israel para makabalik sila sa lupaing ibinigay sa kanila ng Panginoon. At magiging alipin nila roon ang mga dayuhan. Bibihagin nila ang mga bumihag sa kanila noon, at sasakupin nila ang mga umapi sa kanila.
Mamamatay ang Hari ng Babilonia
3 Mga Israelita, sa araw na pagpapahingahin kayo ng Panginoon sa inyong mga paghihirap, pagtitiis at pagkaalipin, 4 kukutyain ninyo ng ganito ang hari ng Babilonia:
“Bumagsak na ang mapang-aping hari. Tapos na ang kanyang pagpapahirap. 5 Winakasan na ng Panginoon ang kapangyarihan ng masasamang pinuno, 6 na sa galit nilaʼy walang tigil ang pagpapahirap nila sa mga tao, at matindi kung umusig ng mga bansa. 7 Sa wakas ay magiging payapa na rin ang buong mundo. At mag-aawitan ang mga tao sa tuwa. 8 Magagalak pati ang mga puno ng sipres[a] at sedro sa Lebanon dahil sa nangyari sa hari. Para silang tao na nagsasabi, ‘Ngayong wala ka na, wala nang puputol sa amin.’
9 “Nagkakagulo ang mga patay sa iyong pagdating at handang-handa na silang salubungin ka. Ang kaluluwa ng mga dating makapangyarihan sa mundo ay nagkakagulo sa pagbati sa iyo. Tumatayo sa kanilang mga trono ang kaluluwa ng mga hari para salubungin ka. 10 Sasabihin nilang lahat sa iyo, ‘Humina ka na rin pala katulad namin. Pare-pareho na tayo. 11 Ngayong patay ka na, wala ka nang kapangyarihan, at wala na rin ang mga tugtugan ng mga alpa para parangalan ka. Uod na ang higaan at ang kumot mo.’
12 “Nahulog ka mula sa langit, ikaw na tinatawag na tala sa umaga. Ibinagsak ka sa lupa, ikaw na nagpasuko ng mga bansa. 13 Sinabi mo sa iyong sarili, ‘Aakyat ako sa langit, at ilalagay ko ang aking trono sa itaas ng mga bituin ng Dios. Uupo ako sa itaas ng bundok na pinagtitipunan ng mga dios sa bandang hilaga. 14 Aakyat ako sa itaas ng mga ulap, at magiging gaya ng Kataas-taasang Dios.’
15 “Pero ano ang nangyari sa iyo? Dinala ka sa lugar ng mga patay, sa pinakamalalim na hukay. 16 Tititigan kang mabuti ng mga patay at sasabihin nila, ‘Hindi baʼt ito ang taong kinatatakutan ng mga tao sa mundo, at ang yumanig ng mga kaharian? 17 Hindi baʼt siya ang nagwasak ng mga lungsod, ginawang parang ilang ang buong mundo, at hindi nagpalaya sa kanyang mga bihag?’
18 “Ang lahat ng hari sa mundo ay marangal na nakahimlay sa sarili nilang libingan. 19 Pero ikaw naman ay itatapon na parang sanga na walang silbi. Tatambakan ka ng mga bangkay ng mga sundalong namatay sa digmaan. Ihuhulog ka sa hukay kasama nila at tatambakan ng mga bato. Matutulad ka sa bangkay na tinatapak-tapakan ng mga tao. 20 Hindi ka ililibing na katulad ng ibang hari, dahil winasak mo ang sarili mong bansa at pinatay ang mga mamamayan mo. Walang matitira sa masamang lahi mo.
21 “Ihanda na ang lugar kung saan papatayin ang mga anak niya dahil sa kasalanan ng kanilang mga ninuno. Hindi na sila papayagang sumakop pa ng mga lupain o magtayo ng mga lungsod sa buong mundo.”
22 Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Lulusubin ko at wawasakin ang Babilonia. Wala akong ititirang buhay sa lugar na ito. Walang matitira sa kanilang mga lahi. 23 Gagawin ko itong ilang, na may maraming latian, at gigibain ko na parang winalisan. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”
Ang Mensahe tungkol sa Asiria
24 Nanumpa ang Panginoong Makapangyarihan at sinabi, “Mangyayari ang plano ko; matutupad ang desisyon ko. 25 Lilipulin ko ang mga taga-Asiria sa lupain ng Israel. Dudurugin ko sila sa aking mga bundok. Hindi na nila maaaring alipinin ang mga mamamayan ko. 26 Ito ang binabalak kong gawin sa buong mundo. Ganito ang parusang ipapakita ko sa lahat ng bansa.” 27 Sino ang makakapagbago ng plano ng Panginoong Makapangyarihan? Sino ang makakapigil sa kanyang pagpaparusa?
Ang Mensahe tungkol sa mga Filisteo
28 Ang mensaheng itoʼy sinabi ng Dios noong namatay si Haring Ahaz:
29 Mga Filisteo, huwag muna kayong magalak sa pagkamatay ng haring sumalakay sa inyo. Sapagkat ang anak niyang papalit ay mas mabagsik kaysa sa kanya, parang isang ahas na namatay pero nagkaanak ng mas makamandag na ahas na tila lumilipad. 30 Ang mga mahihirap kong mamamayan ay pakakainin ko at bibigyan ng kapahingahan nang walang anumang kinatatakutan. Pero pababayaan kong mamatay sa gutom ang mga lahi mo, at ang matitira sa kanila ay papatayin ko pa rin. 31 Umiyak kayo nang malakas, kayong mga mamamayan ng mga bayan ng Filistia. Sapagkat sasalakay sa inyo ang inyong mga kaaway na parang usok mula sa hilaga at silaʼy pawang matatapang.
32 Ano ang isasagot natin sa mga sugo ng bansang iyon? Sabihin natin sa kanila na ang Panginoon ang nagtayo ng Zion, at dito manganganlong ang nahihirapan niyang mga mamamayan.
Footnotes
- 14:8 sipres: o, “pine tree.”
Isaias 14
Ang Biblia, 2001
Pagbabalik mula sa Pagkabihag
14 Ang Panginoon ay maaawa sa Jacob, at muling pipiliin ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain. Ang dayuhan ay makikisama sa kanila, at sila'y mapapasama sa sambahayan ni Jacob.
2 At kukunin sila ng mga tao, at dadalhin sila sa kanilang dako; at aariin sila ng sambahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon bilang mga aliping lalaki at babae. Kanilang bibihagin sila na bumihag sa kanila at mamumuno sa kanila na umapi sa kanila.
3 Kapag bibigyan ka na ng Panginoon ng kapahingahan mula sa iyong kahirapan, kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod mo,
4 ay iyong dadalhin ang pagkutyang ito laban sa hari ng Babilonia:
“Huminto na ang pang-aapi!
Huminto na ang matinding kalapastanganan!
5 Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama,
ang setro ng mga pinuno;
6 na nagpahirap sa mga tao sa pamamagitan ng poot
ng walang tigil na bugbog,
na namuno sa mga bansa sa galit,
na may walang tigil na pag-uusig.
7 Ang buong lupa ay tiwasay at tahimik;
sila'y biglang nagsisiawit.
8 Ang mga puno ng sipres ay nagagalak dahil sa iyo,
at ang mga sedro sa Lebanon, na nagsasabi,
‘Mula nang ikaw ay ibagsak,
wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin.’
9 Ang Sheol sa ibaba ay kinilos
upang salubungin ka sa iyong pagdating;
pinupukaw nito ang mga lilim upang batiin ka,
ang lahat na mga pinuno ng lupa;
itinatayo nito mula sa kanilang mga trono,
ang lahat na hari ng mga bansa.
10 Silang lahat ay magsasalita
at magsasabi sa iyo:
‘Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin?
Ikaw ba'y naging gaya namin?’
11 Ang iyong kahambugan ay ibinaba sa Sheol
pati na ang tunog ng iyong mga alpa;
ang uod ay higaan sa ilalim mo,
at ang mga uod ang iyong pantakip.
12 “Ano't(A) nahulog ka mula sa langit,
O Tala sa Umaga, anak ng Umaga!
Paanong ikaw ay lumagpak sa lupa,
ikaw na siyang nagpabagsak sa mga bansa!
13 Sinabi(B) mo sa iyong puso,
‘Ako'y aakyat sa langit;
sa itaas ng mga bituin ng Diyos
aking itatatag ang aking trono sa itaas;
ako'y uupo sa bundok na pinagtitipunan,
sa malayong hilaga.
14 Ako'y aakyat sa itaas ng mga kaitaasan ng mga ulap,
gagawin ko ang aking sarili na gaya ng Kataas-taasan.’
15 Gayunma'y ibinaba ka sa Sheol,
sa mga pinakamalalim na bahagi ng Hukay.
16 Silang nakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo,
at mag-iisip tungkol sa iyo:
‘Ito ba ang lalaki na nagpayanig ng lupa,
na nagpauga ng mga kaharian;
17 na ginawang gaya ng ilang ang sanlibutan,
at gumiba ng mga bayan nito;
na hindi nagpahintulot sa kanyang mga bilanggo upang magsiuwi?’
18 Lahat ng mga hari ng mga bansa ay nahihiga sa kaluwalhatian,
bawat isa'y sa kanyang sariling libingan.
19 Ngunit ikaw ay itinapon papalayo sa iyong libingan
na gaya ng kasuklamsuklam na sanga,
binihisang kasama ng mga patay, ang mga tinaga ng tabak,
na bumaba sa mga bato ng Hukay,
gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.
20 Ikaw ay hindi mapapasama sa kanila sa libingan,
sapagkat sinira mo ang iyong lupain,
pinatay mo ang iyong bayan.
“Ang angkan nawa ng mga gumagawa ng kasamaan
ay huwag nang tawagin magpakailanman!
21 Maghanda kayong patayin ang kanilang mga anak
dahil sa kasamaan ng kanilang mga magulang;
baka sila'y magsibangon at angkinin ang lupain,
at punuin ng mga lunsod ang ibabaw ng lupa.”
Babala Laban sa Babilonia
22 “At ako'y babangon laban sa kanila,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo, “at tatanggalin ko sa Babilonia ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak,” sabi ng Panginoon.
23 “Iyon ay aking gagawing ari-arian ng hayop na erizo, at mga lawa ng tubig, at aking papalisin ng walis ng pagkawasak,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Babala Laban sa Asiria
24 Ang(C) Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa:
“Gaya ng aking binalak,
gayon ang mangyayari;
at gaya ng aking pinanukala,
gayon ang mananatili.
25 Aking lalansagin ang taga-Asiria sa aking lupain,
at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa;
kung magkagayo'y maaalis ang kanyang pamatok sa kanila,
at ang ipinasan niya sa kanilang balikat.”
26 Ito ang panukala na ipinanukala tungkol sa buong lupa;
at ito ang kamay na iniunat
sa lahat ng mga bansa.
27 Sapagkat pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo,
at sinong magpapawalang-bisa nito?
Ang kanyang kamay ay nakaunat,
at sinong mag-uurong nito?
Babala Laban sa mga Filisteo
28 Dumating(D) ang pahayag na ito nang taong mamatay si Haring Ahaz.
29 “Ikaw(E) ay huwag magalak, O Filistia, kayong lahat,
sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo;
sapagkat sa ahas ay lalabas ang ulupong,
at ang kanyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad.
30 At ang panganay ng dukha ay kakain,
at ang nangangailangan ay nahihigang tiwasay;
ngunit aking papatayin ng taggutom ang iyong ugat,
at ang nalabi sa iyo ay aking papatayin.
31 Ikaw ay tumaghoy, O pintuan, ikaw ay sumigaw, O lunsod;
matunaw ka sa takot, O Filistia, kayong lahat!
Sapagkat lumalabas ang usok mula sa hilaga,
at walang pagala-gala sa kanyang mga kasamahan.”
32 Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa?
“Itinayo ng Panginoon ang Zion,
at sa kanya ay nanganganlong ang nagdadalamhati sa kanyang bayan.”
Isaias 14
Ang Biblia (1978)
Ang awit ng pananagumpay.
14 Sapagka't ang Panginoon ay (A)maaawa sa Jacob, at kaniyang pipiliin (B)pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain: (C)at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila, at sila'y masasanib sa sangbahayan ni Jacob.
2 At kukunin sila ng mga tao, (D)at dadalhin sila sa kanilang dako: at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon, na mga pinakaaliping lalake at babae: at kanilang bibihagin sila, na nagsibihag sa kanila; (E)at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila.
3 At mangyayari, sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan, at sa iyong kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo,
4 Na (F)iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! (G)ang bayang ginto ay naglikat!
5 Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, (H)ang cetro ng mga pinuno;
6 Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman.
7 Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang (I)nagsisiawit.
8 Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin.
9 Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.
10 Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?
11 Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.
12 (J)Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y (K)sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas (L)ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa (M)bundok ng kapisanan, (N)sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.
15 Gayon ma'y (O)mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.
16 Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian;
17 Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi?
18 Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.
19 Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.
20 (P)Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, iyong pinatay ang iyong bayan; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan (Q)ay hindi lalagi magpakailan man.
21 Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa (R)kasamaan ng kanilang mga magulang; upang sila'y (S)huwag magsibangon, at ariin ang lupain, at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan.
22 At ako'y babangon laban sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ihihiwalay ko sa Babilonia (T)ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak, sabi ng Panginoon.
23 Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo, at mga lawa ng tubig: at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
24 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo:
25 (U)Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang (V)kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat.
26 Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.
27 Sapagka't pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?
Ang hula sa Filistia.
28 Nagkaroon ng hulang (W)ito nang taong mamatay ang (X)haring Achaz.
29 Ikaw ay huwag magalak, ikaw na buong (Y)Filistia, sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo: sapagka't sa ahas ay lalabas ang ulupong, at ang kaniyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad.
30 At ang panganay ng dukha ay kakain, at ang mapagkailangan ay mahihigang tiwasay: at aking papatayin ng gutom ang iyong angkan, at ang nalabi sa iyo ay papatayin.
31 Ikaw ay umungal, Oh pintuang bayan; ikaw ay humiyaw, Oh bayan; ikaw ay napugnaw, Oh ikaw na buong Filistia; sapagka't lumalabas ang usok na mula sa hilagaan, at walang malalabi sa kaniyang mga takdang panahon.
32 Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa? Na itinayo ng (Z)Panginoon ang Sion, at doon nanganganlong (AA)ang nagdadalamhati sa kaniyang bayan.
Isaiah 14
New International Version
14 The Lord will have compassion(A) on Jacob;
once again he will choose(B) Israel
and will settle them in their own land.(C)
Foreigners(D) will join them
and unite with the descendants of Jacob.
2 Nations will take them
and bring(E) them to their own place.
And Israel will take possession of the nations(F)
and make them male and female servants in the Lord’s land.
They will make captives(G) of their captors
and rule over their oppressors.(H)
3 On the day the Lord gives you relief(I) from your suffering and turmoil(J) and from the harsh labor forced on you,(K) 4 you will take up this taunt(L) against the king of Babylon:(M)
How the oppressor(N) has come to an end!
How his fury[a] has ended!
5 The Lord has broken the rod(O) of the wicked,(P)
the scepter(Q) of the rulers,
6 which in anger struck down peoples(R)
with unceasing blows,
and in fury subdued(S) nations
with relentless aggression.(T)
7 All the lands are at rest and at peace;(U)
they break into singing.(V)
8 Even the junipers(W) and the cedars of Lebanon
gloat over you and say,
“Now that you have been laid low,
no one comes to cut us down.”(X)
9 The realm of the dead(Y) below is all astir
to meet you at your coming;
it rouses the spirits of the departed(Z) to greet you—
all those who were leaders(AA) in the world;
it makes them rise from their thrones—
all those who were kings over the nations.(AB)
10 They will all respond,
they will say to you,
“You also have become weak, as we are;
you have become like us.”(AC)
11 All your pomp has been brought down to the grave,(AD)
along with the noise of your harps;(AE)
maggots are spread out beneath you
and worms(AF) cover you.(AG)
12 How you have fallen(AH) from heaven,
morning star,(AI) son of the dawn!
You have been cast down to the earth,
you who once laid low the nations!(AJ)
13 You said in your heart,
“I will ascend(AK) to the heavens;
I will raise my throne(AL)
above the stars of God;
I will sit enthroned on the mount of assembly,(AM)
on the utmost heights(AN) of Mount Zaphon.[b]
14 I will ascend above the tops of the clouds;(AO)
I will make myself like the Most High.”(AP)
15 But you are brought down(AQ) to the realm of the dead,(AR)
to the depths(AS) of the pit.(AT)
16 Those who see you stare at you,
they ponder your fate:(AU)
“Is this the man who shook(AV) the earth
and made kingdoms tremble,
17 the man who made the world a wilderness,(AW)
who overthrew(AX) its cities
and would not let his captives go home?”(AY)
18 All the kings of the nations lie in state,
each in his own tomb.(AZ)
19 But you are cast out(BA) of your tomb
like a rejected branch;
you are covered with the slain,(BB)
with those pierced by the sword,(BC)
those who descend to the stones of the pit.(BD)
Like a corpse trampled underfoot,
20 you will not join them in burial,(BE)
for you have destroyed your land
and killed your people.
Let the offspring(BF) of the wicked(BG)
never be mentioned(BH) again.
21 Prepare a place to slaughter his children(BI)
for the sins of their ancestors;(BJ)
they are not to rise to inherit the land
and cover the earth with their cities.
22 “I will rise up(BK) against them,”
declares the Lord Almighty.
“I will wipe out Babylon’s name(BL) and survivors,
her offspring and descendants,(BM)”
declares the Lord.
23 “I will turn her into a place for owls(BN)
and into swampland;
I will sweep her with the broom of destruction,(BO)”
declares the Lord Almighty.(BP)
24 The Lord Almighty has sworn,(BQ)
“Surely, as I have planned,(BR) so it will be,
and as I have purposed, so it will happen.(BS)
25 I will crush the Assyrian(BT) in my land;
on my mountains I will trample him down.
His yoke(BU) will be taken from my people,
and his burden removed from their shoulders.(BV)”
26 This is the plan(BW) determined for the whole world;
this is the hand(BX) stretched out over all nations.
27 For the Lord Almighty has purposed,(BY) and who can thwart him?
His hand(BZ) is stretched out, and who can turn it back?(CA)
A Prophecy Against the Philistines
28 This prophecy(CB) came in the year(CC) King Ahaz(CD) died:
29 Do not rejoice, all you Philistines,(CE)
that the rod that struck you is broken;
from the root of that snake will spring up a viper,(CF)
its fruit will be a darting, venomous serpent.(CG)
30 The poorest of the poor will find pasture,
and the needy(CH) will lie down in safety.(CI)
But your root I will destroy by famine;(CJ)
it will slay(CK) your survivors.(CL)
31 Wail,(CM) you gate!(CN) Howl, you city!
Melt away, all you Philistines!(CO)
A cloud of smoke comes from the north,(CP)
and there is not a straggler in its ranks.(CQ)
32 What answer shall be given
to the envoys(CR) of that nation?
“The Lord has established Zion,(CS)
and in her his afflicted people will find refuge.(CT)”
Footnotes
- Isaiah 14:4 Dead Sea Scrolls, Septuagint and Syriac; the meaning of the word in the Masoretic Text is uncertain.
- Isaiah 14:13 Or of the north; Zaphon was the most sacred mountain of the Canaanites.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

