Add parallel Print Page Options

Pakinggan ninyo ang nagkakagulong ingay sa kabundukan
    dahil sa dami ng tao.
Pakinggan ninyo ang ugong ng mga kaharian,
    ng mga bansang nagkakatipon!
Inihahanda na ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat
    ang kanyang mga hukbo para sa isang digmaan.
Dumarating sila buhat sa malayong lupain,
    buhat sa dulo ng daigdig.
Dumarating na si Yahweh,
    upang wasakin ang buong lupain dahil sa kanyang poot.

Manangis(A) kayo sapagkat malapit na ang araw ni Yahweh,
    darating na ang araw ng pangwawasak ng Diyos na Makapangyarihan.

Read full chapter
'Isaias 13:4-6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, gaya ng malaking bayan: ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka.

Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain.

(A)Magsiangal kayo; (B)sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat.

Read full chapter