Isaias 12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Awit ng Pasasalamat
12 Sa araw na iyon ay aawitin ng mga tao ang ganito:
“Yahweh, ikaw ay aking pasasalamatan,
sapagkat kung nagalit ka man sa akin noon,
nawala na ang galit mo ngayon, at ako'y iyong inaliw.
2 Tunay(A) na ang Diyos ang aking kaligtasan,
sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot,
sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan,
siya ang aking tagapagligtas.
3 Malugod kayong sasalok ng tubig sa balon ng kaligtasan.”
4 Sasabihin ninyo sa araw na iyon:
“Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan;
ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa,
ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.
5 Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,
ibalita ninyo ito sa buong daigdig.
6 Mga taga-Zion, sumigaw kayo at umawit nang buong galak,
sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal na Diyos ng Israel.”
Isaias 12
Ang Biblia, 2001
Awit ng Pasasalamat
12 At sa araw na iyon ay iyong sasabihin,
“Ako'y magpapasalamat sa iyo, O Panginoon,
bagaman ikaw ay nagalit sa akin,
ang iyong galit ay napawi,
at iyong inaaliw ako.
2 “Ang(A) Diyos ay aking kaligtasan;
ako'y magtitiwala, at hindi ako matatakot
sapagkat ang Panginoong Diyos ay aking kalakasan at awit;
at siya'y naging aking kaligtasan.”
3 Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4 At sa araw na iyon ay inyong sasabihin,
“Magpasalamat kayo sa Panginoon,
kayo'y tumawag sa kanyang pangalan,
ipaalam ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bansa,
ipahayag ninyo na ang kanyang pangalan ay marangal.
5 “Umawit kayo sa Panginoon; sapagkat siya'y gumawang may kaluwalhatian,
ipaalam ito sa buong lupa.
6 Sumigaw ka at umawit nang malakas, ikaw na naninirahan sa Zion,
sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa gitna mo.”
Isaias 12
Ang Biblia (1978)
Muling titipunin (karugtong).
12 At sa araw na yaon ay (A)iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako.
2 Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: (B)sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
3 Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4 At (C)sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, (D)ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.
5 (E)Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.
6 Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel (F)sa gitna mo.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978