Isaias 10:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Hoy, taga Asiria, na (A)pamalo ng aking galit, siyang tungkod na kasangkapan ng aking pagiinit.
6 Aking susuguin siya (B)laban sa maruming bansa, at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya, (C)upang manamsam, at upang manunggab, at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan.
7 Gayon ma'y hindi niya inaakalang gayon, (D)o iniisip mang gayon ng kaniyang puso; kundi ang nasa kaniyang puso ay manggiba, at manglipol ng mga bansa na hindi kakaunti.
Isaias 10:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Parusa ng Panginoon sa mga taga-Asiria
5 Sinabi ng Panginoon, “Nakakaawa ang mga taga-Asiria. Sila ang gagamitin kong pamalo para parusahan ang mga kinamumuhian ko. 6 Uutusan ko silang salakayin ang bansang hindi makadios at kinapopootan ko, para wasakin ito at tapak-tapakan na parang putik sa lansangan, at samsamin ang lahat ng kanilang ari-arian.”
7 Pero hindi malalaman ng hari ng Asiria na ginagamit lang siya ng Panginoon. Akala niyaʼy basta na lang siya mangwawasak ng maraming bansa.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
