Add parallel Print Page Options

17 Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran;
    pairalin ang katarungan;
    tulungan ang naaapi;
ipagtanggol ninyo ang mga ulila,
    at tulungan ang mga biyuda.

18 “Halikayo at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh.
Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan,
    kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.
19 Kung susundin ninyo ang aking sinasabi,
    tatamasahin ninyo ang ani ng inyong lupain.

Read full chapter
'Isaias 1:17-19' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

17     matuto kayong gumawa ng mabuti;
inyong hanapin ang katarungan,
    inyong ituwid ang paniniil;
inyong ipagtanggol ang mga ulila,
    ipaglaban ninyo ang babaing balo.

18 “Pumarito kayo ngayon, at tayo'y mangatuwiran sa isa't isa,
    sabi ng Panginoon:
bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula,
    ang mga ito'y magiging mapuputi na parang niyebe;
bagaman ito'y mapulang-mapula,
    ang mga ito'y magiging parang balahibo ng tupa.
19 Kung kayo'y sasang-ayon at magiging masunurin,
    kayo'y kakain ng mabubuting bagay ng lupain;

Read full chapter

17 Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; (A)inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo (B)ang babaing bao.

18 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, (C)sabi ng Panginoon: (D)bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa,

19 Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:

Read full chapter