Add parallel Print Page Options

15 Kapag nakikipaglaban sila, pinapatalo sila ng Panginoon, tulad ng sinabi niya. Kaya labis silang nahirapan.

16 Ngayon, binigyan ng Panginoon ang Israel ng mga pinuno[a] na magliligtas sa kanila mula sa mga tulisan. 17 Pero hindi nila pinansin ang kanilang mga pinuno. Sa halip, tumalikod sila sa Panginoon at sumamba sa ibang mga dios. Hindi sila katulad ng kanilang mga ninuno. Napakadali nilang tumalikod sa mga utos ng Dios na sinunod noon ng mga ninuno nila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:16 pinuno: Sa ibang mga salin, hukom. Pero hindi sila mga hukom (judges) lang, kundi sila ay mga pinakapinuno sa buong Israel dahil wala pang mga hari noon.