Add parallel Print Page Options

Ang Pagkawasak ng Efraim

13 Nang magsalita ang Efraim, nanginig ang mga tao;
    kanyang itinaas ang kanyang sarili sa Israel;
    ngunit siya'y nagkasala dahil kay Baal, at siya'y namatay.
At ngayo'y patuloy silang nagkakasala,
    at gumagawa ng mga larawang hinulma para sa kanilang sarili,
mga diyus-diyosang pilak na ginawa ayon sa kanilang pang-unawa,
    lahat ng iyon ay gawa ng mga manggagawa.
Sinasabi nila tungkol sa mga iyon, “Maghandog kayo rito.”
    Ang mga tao ay humahalik sa mga guya!
Kaya't sila'y magiging tulad ng ulap sa umaga,
    at tulad ng hamog na maagang naglalaho,
na gaya ng ipa na tinatangay ng ipu-ipo mula sa giikan,
    at gaya ng usok na lumalabas sa labasan ng usok.

Gayunma'y ako ang Panginoon mong Diyos
    mula sa lupain ng Ehipto;
at wala kang kilalang Diyos kundi ako,
    at liban sa akin ay walang tagapagligtas.
Ako(A) ang kumilala sa iyo sa ilang,
    sa lupain ng tagtuyot.
Ayon sa kanilang pastulan, sila ay nabusog;
    sila ay nabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki;
    kaya't kinalimutan nila ako.
Kaya't ako'y magiging gaya ng leon sa kanila;
    gaya ng leopardo ako'y mag-aabang sa tabi ng daan.
Ako'y susunggab sa kanila na gaya ng oso na ninakawan ng kanyang mga anak,
    at pupunitin ko upang mabuksan ang takip ng kanilang puso;
at doo'y lalamunin ko sila na gaya ng leon;
    kung paanong lalapain sila ng mabangis na hayop.
Sa iyong ikapapahamak, O Israel;
    na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.
10 Nasaan(B) ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong mga lunsod?
    Nasaan ang iyong mga hukom,
    na sa kanila'y sinabi mo, “Bigyan mo ako ng hari at mga pinuno?”
11 Sa(C) galit ko'y binigyan kita ng hari,
    at sa poot ko'y inalis ko siya.

12 Ang kasamaan ng Efraim ay nababalot;
    ang kanyang kasalanan ay nakaimbak.
13 Ang sakit ng panganganak ay dumarating para sa kanya;
    ngunit siya'y isang hangal na anak;
sapagkat sa tamang panahon ay hindi siya nagpapakita
    sa bungad ng sinapupunan.

14 Tutubusin(D) ko ba sila mula sa kapangyarihan ng Sheol?
    Tutubusin ko ba sila mula kay Kamatayan?
O Kamatayan, nasaan ang iyong mga salot?
    O Sheol, nasaan ang iyong pangwasak?
    Ang kahabagan ay nakatago sa aking mga mata.

15 Bagaman siya'y maging mabunga sa kanyang mga kapatid,
    ang hanging silangan ay darating,
    ang malakas na hangin ng Panginoon ay tataas mula sa ilang;
at ang kanyang bukal ay matutuyo,
    at ang kanyang batis ay magiging tigang.
Sasamsaman nito ang kanyang kabang-yaman
    ng bawat mahalagang bagay.
16 Papasanin ng Samaria ang kanyang pagkakasala;
    sapagkat siya'y naghimagsik laban sa kanyang Diyos:
sila'y ibubuwal ng tabak;
    ang kanilang mga sanggol ay pagluluray-lurayin
    at ang kanilang mga babaing buntis ay paluluwain ang bituka.

13 Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya.

At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.

Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at parang usok na lumalabas sa Chimenea:

Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin ay walang tagapagligtas.

Nakilala kita sa ilang, sa lupain ng malaking katuyuan.

Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.

Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;

Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.

Siyang iyong kapahamakan Oh Israel, na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.

10 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?

11 Aking binigyan ka ng hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot.

12 Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton.

13 Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap sa pagwawaksi ng mga yaon.

14 Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.

15 Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.

16 Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.

Binigyan ng mga babala.

13 Nang magsalita ang Ephraim, ay nagkaroon ng panginginig; siya'y nagpapakalaki sa kaniyang sarili sa Israel; nguni't nang (A)siya'y magkasala tungkol kay Baal ay namatay siya.

At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa mga guya ang mga tao na nangaghahain.

Kaya't sila'y magiging parang ulap sa umaga, at parang hamog na nawawalang maaga, na (B)gaya ng dayami na tinatangay ng ipoipo mula sa giikan, at (C)parang usok na lumalabas sa Chimenea:

Gayon ma'y ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto; at wala kang makikilalang Dios kundi ako, at liban sa akin (D)ay walang tagapagligtas.

Nakilala kita (E)sa ilang, (F)sa lupain ng malaking katuyuan.

Ayon sa pastulan sa kanila, gayon sila nangabusog; (G)sila'y nangabusog, at ang kanilang puso ay nagmalaki: kaya't kinalimutan nila ako.

Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;

Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop.

Siyang iyong kapahamakan (H)Oh Israel, (I)na ikaw ay laban sa akin, laban sa iyong katulong.

10 Saan nandoon ngayon ang iyong hari upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong bayan? at ang iyong mga hukom, na (J)iyong pinagsasabihan, Bigyan mo ako ng hari at mga prinsipe?

11 Aking binigyan ka ng (K)hari sa aking kagalitan, at inalis ko siya sa aking poot.

12 Ang kasamaan ng Ephraim ay nababalot; ang kaniyang kasalanan ay nabubunton.

13 Ang mga kapanglawan ng nagdaramdam na babae ay dadanasin niya: siya'y hindi pantas na anak; sapagka't panahon na hindi sana siya marapat maghirap (L)sa pagwawaksi ng mga yaon.

14 Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. (M)Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? (N)pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata.

15 Bagaman siya'y mabunga sa kaniyang mga kapatid, isang hanging silanganan ay (O)darating, ang hinga ng Panginoon ay umiilanglang mula sa ilang; at ang kaniyang tipunan ng tubig ay magiging tuyo, at ang kaniyang bukal ay matutuyo: kaniyang sasamsamin ang kayamanan ng lahat na maligayang kasangkapan.

16 Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y nanghimagsik laban sa kaniyang Dios: (P)sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay paluluwain ang bituka.