Add parallel Print Page Options

Ang pagkaidolatria ng Ephraim ay tinutulan.

12 Ang Ephraim (A)ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging (B)nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.

Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.

Sa bahay-bata ay (C)kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay (D)nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:

Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa (E)Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.

Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay (F)kaniyang alaala.

Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.

Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati.

At sinabi ng Ephraim, (G)Tunay na ako'y naging mayaman, ako'y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan,

Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin (H)pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.

10 Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.

11 Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.

12 At si Jacob ay (I)tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at (J)naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.

13 (K)At sa pamamagitan ng isang propeta ay (L)isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan.

14 Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.

12 Ang mga taga-Israel[a] ay umaasa sa mga walang kwentang bagay. Buong araw nilang hinahabol ang mga bagay na nagdadala sa kanila sa kapahamakan. Lalo pa silang naging malupit at sinungaling. Nakikipagkasundo sila sa Asiria at sa Egipto, kung kaya nireregaluhan nila ang Egipto ng langis.

May mga paratang din ang Panginoon laban sa mga taga-Juda na lahi ni Jacob. Parurusahan niya sila ayon sa kanilang pag-uugali; gagantihan niya sila ayon sa kanilang mga ginawa. Noong si Jacob na kanilang ninuno ay nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina, nais na niyang lampasan ang kanyang kakambal.[b] At noong lumaki na siya, nakipagbuno siya sa Dios sa pamamagitan ng anghel,[c] at nagtagumpay siya. Umiiyak siya habang nagmamakaawang pagpalain siya ng anghel. Nakita niya ang Dios sa Betel, at doon nakipag-usap ang Dios sa kanya.[d] Siya ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat. Panginoon ang kanyang pangalan.

Kaya kayong mga lahi ni Jacob, magbalik-loob na kayo sa Dios at ipakita ninyo ang pag-ibig at katarungan. At patuloy kayong magtiwala sa kanya.

Dagdag na Sumbat ng Panginoon sa Israel

Sinabi ng Panginoon, “Mahilig mandaya ang mga negosyante ninyo. Gumagamit sila ng mga timbangang may daya. Nagyayabang pa kayong mga taga-Israel at sinasabing, ‘Nakapag-ipon kami ng kayamanan at napakayaman na namin ngayon. Walang makapagsasabing yumaman kami sa masamang paraan, dahil kasalanan ang gawin iyon.’ Kaya ako, ang Panginoon ninyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto, ay nagsasabi: Patitirahin ko kayong muli sa mga kubol[e] gaya ng ginagawa ninyo noon sa panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.[f]

10 “Nakipag-usap ako sa mga propeta at binigyan ko sila ng maraming pangitain. Sa pamamagitan nila, nagbabala ako sa inyo na mapapahamak kayo. 11 Pero patuloy pa rin ang mga taga-Gilead sa kanilang kasamaan, at sila ay naging walang kabuluhan. At ang mga taga-Gilgal naman ay naghahandog ng mga toro sa kanilang mga dios-diosan. Kaya gigibain ang kanilang mga altar at itoʼy magiging bunton ng mga bato na kinuha sa inararong bukirin.

12 “Tumakas si Jacob at pumunta sa Aram[g] at doon naglingkod bilang pastol para magkaasawa. 13 Sa pamamagitan ng propetang si Moises, inilabas ko kayong mga Israelita sa Egipto at inalagaan. 14 Dahil marami kayong pinatay, ginalit ninyo ako na inyong Panginoon. Kaya parurusahan ko kayo at pagbabayarin sa paglapastangan ninyo sa akin.”

Footnotes

  1. 12:1 Israel: sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
  2. 12:3 nais … kakambal: sa literal, hinahawakan niya ang sakong ng kanyang kapatid.
  3. 12:4 anghel: o, sugo ng Dios.
  4. 12:4 kanya: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac. Sa Hebreo, atin.
  5. 12:9 kubol: sa Ingles, “temporary shelter.”
  6. 12:9 Tingnan ang Lev. 23:41-43.
  7. 12:12 Aram: Isang lugar sa Mesopotamia.
'Hosea 12 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

12 [a]Ephraim(A) feeds on the wind;(B)
    he pursues the east wind all day
    and multiplies lies and violence.(C)
He makes a treaty with Assyria(D)
    and sends olive oil to Egypt.(E)
The Lord has a charge(F) to bring against Judah;(G)
    he will punish(H) Jacob[b] according to his ways
    and repay him according to his deeds.(I)
In the womb he grasped his brother’s heel;(J)
    as a man he struggled(K) with God.
He struggled with the angel and overcame him;
    he wept and begged for his favor.
He found him at Bethel(L)
    and talked with him there—
the Lord God Almighty,
    the Lord is his name!(M)
But you must return(N) to your God;
    maintain love and justice,(O)
    and wait for your God always.(P)

The merchant uses dishonest scales(Q)
    and loves to defraud.
Ephraim boasts,(R)
    “I am very rich; I have become wealthy.(S)
With all my wealth they will not find in me
    any iniquity or sin.”

“I have been the Lord your God
    ever since you came out of Egypt;(T)
I will make you live in tents(U) again,
    as in the days of your appointed festivals.
10 I spoke to the prophets,
    gave them many visions
    and told parables(V) through them.”(W)

11 Is Gilead wicked?(X)
    Its people are worthless!
Do they sacrifice bulls in Gilgal?(Y)
    Their altars will be like piles of stones
    on a plowed field.(Z)
12 Jacob fled to the country of Aram[c];(AA)
    Israel served to get a wife,
    and to pay for her he tended sheep.(AB)
13 The Lord used a prophet to bring Israel up from Egypt,(AC)
    by a prophet he cared for him.(AD)
14 But Ephraim has aroused his bitter anger;
    his Lord will leave on him the guilt of his bloodshed(AE)
    and will repay him for his contempt.(AF)

Footnotes

  1. Hosea 12:1 In Hebrew texts 12:1-14 is numbered 12:2-15.
  2. Hosea 12:2 Jacob means he grasps the heel, a Hebrew idiom for he takes advantage of or he deceives.
  3. Hosea 12:12 That is, Northwest Mesopotamia