Font Size
Hosea 11:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Hosea 11:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Pero ngayon, kahit na patuloy kong[a] tinatawag ang mga mamamayan ng Israel, lalo pa silang lumayo sa akin.[b] Naghahandog sila at nagsusunog ng mga insenso sa dios-diosang si Baal. 3 Ako ang nag-alaga sa kanila. Inakay ko sila[c] at tinuruang lumakad, pero hindi nila kinilala na ako ang kumalinga[d] sa kanila. 4 Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamahal, tulad ng isang taong nag-aangat ng pamatok sa baka upang mapakain ito.
Read full chapterFootnotes
- 11:2 kong: Ito ang nasa ibang mga teksto ng Septuagint. Sa Hebreo, nila.
- 11:2 akin: Ito ang nasa ibang mga teksto ng Septuagint. Sa Hebreo, kanila.
- 11:3 sila: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 8, 9 at 12. Tingnan ang “footnote” sa 4:17.
- 11:3 kumalinga: sa literal, nagpagaling.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®