Hosea 10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
10 Ang Israel ay tulad ng punong ubas na mayabong
at hitik sa bunga ang mga sanga.
Habang dumarami ang kanyang bunga,
dumarami rin naman ang itinatayo niyang altar.
Habang umuunlad ang kanyang lupain,
lalo niyang pinapaganda ang mga haliging sinasamba.
2 Marumi ang kanilang puso
at ngayo'y dapat silang magdusa.
Wawasakin ni Yahweh ang kanilang mga altar,
at sisirain ang mga haliging sinasamba.
3 Ngayon nama'y sasabihin nila,
“Wala kaming hari,
sapagkat hindi kami sumasamba kay Yahweh.
Ngunit ano nga ba naman ang magagawa ng isang hari para sa amin?”
4 Puro siya salita ngunit walang gawa;
puro pangako ngunit laging napapako;
ang katarungan ay pinalitan ng kawalang-katarungan,
at ito'y naging damong lason na sumisibol sa buong lupain.
5 Matatakot at mananaghoy ang mga taga-Samaria
dahil sa pagkawala ng mga guya sa Beth-aven.
Ipagluluksa ito ng sambayanan;
mananangis pati mga paring sumasamba sa diyus-diyosan,
dahil sa naglaho nitong kaningningan.
6 Ang diyus-diyosang ito'y dadalhin sa Asiria
bilang kaloob sa dakilang hari.
Mapapahiya ang Efraim,
at ikakahiya ng Israel ang mga itinuring nilang diyos.
7 Ang hari ng Samaria ay mapapahamak
tulad ng sanga na tinatangay ng tubig.
8 Wawasakin(A) ang mga altar sa burol ng Aven,
na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel.
Tutubo ang mga tinik at dawag sa mga altar,
at sasabihin nila sa kabundukan, “Itago ninyo kami,”
at sa kaburulan, “Tabunan ninyo kami.”
Hinatulan ni Yahweh ang Israel
9 Sinabi(B) ni Yahweh, “Ang Israel ay patuloy sa pagkakasala;
mula pa noong sila'y nasa Gibea.
Dahil dito'y aabutan siya ng digmaan sa Gibea.
10 Sasalakayin[a] ko ang bayan,
at magsasanib ang mga bansa laban sa inyo.
Kayo'y pinarusahan ko dahil sa patung-patong na kasalanan.
11 “Ang Efraim ay parang dumalagang baka
na sanay at mahilig sa gawang paggiik,
ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya;
ang Juda ang dapat humila ng araro;
at ang Israel naman ang hihila ng suyod.
12 Maghasik(C) kayo ng katuwiran,
at mag-aani kayo ng tapat na pag-ibig.
Bungkalin ninyong muli ang napabayaang lupa,
sapagkat panahon na upang hanapin natin si Yahweh.
Lalapit siya sa inyo at pauulanan kayo ng pagpapala.
13 Ngunit naghasik kayo ng kalikuan,
at kawalang-katarungan ang inyong inani,
kumain din kayo ng bunga ng kasinungalingan.
“Dahil sa pagtitiwala ninyo sa inyong mga kapangyarihan,
at sa lakas ng marami ninyong mandirigma,
14 masasangkot sa digmaan ang inyong bayan,
at mawawasak lahat ng inyong mga kuta,
gaya ng ginawa ni Salman sa Beth-arbel nang salakayin niya ito
at patayin ang mga ina at mga bata.
15 Ganito ang gagawin sa sambahayan ng Israel,
sapagkat malaki ang inyong kasalanan.
Sa pagsapit ng bukang-liwayway,
ang hari ng Israel ay ganap na mamamatay.”
Footnotes
- 10 Sasalakayin: Sa ibang manuskrito'y Sa aking kagustuhan na maparusahan .
Oseas 10
Ang Biblia (1978)
Ang kasalanan ng Israel ay magbubunga ng pagkakahatihati.
10 Ang Israel ay isang mayabong na baging, na (A)nagbunga: ayon sa karamihan ng kaniyang bunga (B)kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay (C)nagsigawa sila ng mga mainam na haligi.
2 Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi.
3 Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin?
4 Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang.
5 Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa (D)mga guya ng (E)Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.
6 (F)Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob (G)sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo.
7 Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig.
8 Ang mataas na dako naman ng (H)Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; (I)at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.
9 (J)Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; (K)ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa.
10 Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.
11 At ang Ephraim ay isang (L)dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.
12 (M)Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; (N)bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at (O)magdala ng katuwiran sa inyo.
13 Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.
14 Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni (P)Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: (Q)ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.
15 Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.
Hoseas 10
Ang Biblia, 2001
10 Ang Israel ay isang mayabong na baging na namumunga.
Habang dumarami ang kanyang bunga,
dumarami rin ang mga itinatayo niyang dambana;
kung paanong bumubuti ang kanyang lupain
ay gayon niya pinabubuti ang mga haligi niya.
2 Ang kanilang puso ay di-tapat;
ngayo'y dapat nilang pasanin ang kanilang kasalanan.
Ibabagsak ng Panginoon ang kanilang mga dambana,
at wawasakin ang kanilang mga haligi.
3 Sapagkat ngayo'y kanilang sasabihin,
“Wala kaming hari;
sapagkat hindi kami natatakot sa Panginoon;
at ang hari, ano ang magagawa niya para sa amin?”
4 Sila'y bumibigkas ng mga salita lamang;
sa pamamagitan ng mga hungkag na panata ay gumagawa sila ng mga tipan;
kaya't ang paghatol ay sumisibol tulad ng damong nakalalason
sa mga lupang binungkal sa bukid.
5 Ang mga naninirahan sa Samaria ay nanginginig
dahil sa mga guya ng Bet-haven.
Sapagkat ang taong-bayan niyon ay magluluksa doon,
at ang mga paring sumasamba sa diyus-diyosan niyon ay mananangis[a] doon,
dahil sa kaluwalhatian niyon na nawala roon.
6 Dadalhin mismo ang bagay na iyon sa Asiria,
bilang kaloob sa Haring Jareb.
Ang Efraim ay ilalagay sa kahihiyan,
at ikahihiya ng Israel ang kanyang sariling payo.
7 Ang hari ng Samaria ay mapapahamak,
na parang bula sa ibabaw ng tubig.
8 Ang(A) matataas na dako ng Aven, ang kasalanan ng Israel
ay mawawasak.
Ang mga tinik at mga dawag ay tutubo
sa kanilang mga dambana;
at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami;
at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.
9 O(B) Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga araw ng Gibea;
doon sila ay nagpatuloy.
Hindi ba sila aabutan ng digmaan sa Gibea?
10 Ako'y darating laban sa masasamang tao upang parusahan sila;
at ang mga bansa ay titipunin laban sa kanila,
kapag sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.
11 Ang Efraim ay isang turuan na dumalagang baka,
na mahilig gumiik,
at aking iniligtas ang kanyang magandang leeg;
ngunit ilalagay ko ang Efraim sa pamatok,
ang Juda ay dapat mag-araro,
dapat hilahin ng Jacob ang kanyang pansuyod.
12 Maghasik(C) kayo para sa inyong sarili ng katuwiran;
mag-ani kayo ng bunga ng kabutihang loob;
bungkalin ninyo ang inyong tiwangwang na lupa,
sapagkat panahon nang hanapin ang Panginoon,
upang siya'y dumating at magpaulan ng katuwiran sa inyo.
13 Kayo'y nag-araro ng kasamaan,
kayo'y nag-ani ng walang katarungan;
kayo'y nagsikain ng bunga ng kasinungalingan.
Sapagkat ikaw ay nagtiwala sa iyong lakad,
at sa dami ng iyong mga mandirigma.
14 Kaya't babangon ang kaguluhan ng digmaan sa iyong mga taong-bayan,
at lahat ng iyong mga muog ay magigiba,
gaya ni Salman na giniba ang Bet-arbel sa araw ng paglalaban:
ang mga ina ay pinagluray-luray na kasama ng kanilang mga anak.
15 Gayon ang gagawin sa inyo, O Bethel,
dahil sa inyong malaking kasamaan.
Sa pagbubukang-liwayway, ang hari ng Israel
ay pupuksain.
Footnotes
- Hoseas 10:5 Sa Hebreo ay magdiriwang .
Hosea 10
Ang Dating Biblia (1905)
10 Ang Israel ay isang mayabong na baging, na nagbunga: ayon sa karamihan ng kaniyang bunga kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay nagsigawa sila ng mga mainam na haligi.
2 Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi.
3 Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin?
4 Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang.
5 Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa mga guya ng Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.
6 Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo.
7 Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig.
8 Ang mataas na dako naman ng Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.
9 Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa.
10 Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.
11 At ang Ephraim ay isang dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.
12 Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo.
13 Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.
14 Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.
15 Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
