Font Size
Hosea 1:8-10
Magandang Balita Biblia
Hosea 1:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Nang si Lo-ruhama ay mahiwalay na sa pagpapasuso ng ina, naglihi muli si Gomer at nagsilang ng isang lalaki. 9 At sinabi ni Yahweh, “Tawagin mo siyang Lo-ammi,[a] sapagkat ang Israel ay hindi ko na ituturing na aking bayan at hindi na ako ang kanilang Diyos.”
Ang Israel ay Panunumbalikin
10 Gayunma'y(A) magiging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga taga-Israel, hindi mabibilang dahil sa sobrang dami. Ngayo'y sinabi sa kanila, “Kayo'y hindi ko bayan,” ngunit darating ang panahon na sasabihin sa kanila, “Kayo ang mga anak ng Diyos na buháy.”
Read full chapterFootnotes
- Hosea 1:9 LO-AMMI: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “hindi ko bayan”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.