Add parallel Print Page Options

Huwag ninyong hayaan na madala kayo ng lahat ng uri at kakaibang mga katuruan. Sapagkat mabuting pagtibayin natin ang ating mga puso sa pamamagitan ng biyaya at hindi sa pamamagitan ng pagkain. Ang pagkain ay hindi makaka­pagbigay ng kapakinabangan sa mga nabubuhay sa pamama­gitan nito. 10 Tayo ay may isang dambana. Ang mga saserdote na naglilingkod sa makalupang tabernakulo ay walang kara­patang kumain dito.

11 Sapagkat ang pinakapunong-saserdote ay nagdala ng dugo ng hayop sa kabanal-banalang dako bilang isang hain para sa kasalanan. Kapag ginagawa nila ito, sinusunog nila ang katawan ng mga hayop sa labas ng kampamento.

Read full chapter