Hebreo 1:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 At nang isusugo na ng Dios ang kanyang bugtong na Anak sa mundo, sinabi niya,
“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Dios.”[a]
7 Ito ang sinabi ng Dios tungkol sa mga anghel:
“Ang mga anghel ay magagawa kong hangin.
Sila na mga lingkod ko ay magagawa ko ring nagliliyab na apoy.”[b]
8 Ngunit ito naman ang sinabi ng Dios tungkol sa kanyang Anak:
“O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran.
Mga Hebreo 1:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At muli nang dinadala niya (A)ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.
7 At sinasabi niya tungkol sa mga anghel,
(B)Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin,
At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:
8 Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi,
(C)Ang iyong luklukan,
Oh Dios, ay magpakailan man;
At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
