Add parallel Print Page Options

“Sino sa inyo ang nakakita ng kagandahan noon ng templong ito? Ano ngayon ang tingin ninyo rito kung ihahambing sa dati? Maaaring sabihin ninyo na balewala lang ito. Pero magpakatatag kayo! Ipagpatuloy ninyo ang paggawa ng templo dahil kasama ninyo ako, ang Makapangyarihang Panginoon. Ganito rin ang ipinangako ko sa inyong mga ninuno nang inilabas ko sila[a] sa Egipto. At ngayon, ang aking Espiritu ay mananatiling kasama ninyo, kaya huwag kayong matakot.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:5 sila: sa Hebreo, kayo.