Add parallel Print Page Options

10 En effet, la loi qui possède une ombre des biens à venir, et non l’exacte représentation des choses, ne peut jamais, par les mêmes sacrifices qu’on offre perpétuellement chaque année, amener les assistants à la perfection. Autrement, n’aurait-on pas cessé de les offrir, puisque ceux qui rendent ce culte, étant une fois purifiés, n’auraient plus eu aucune conscience de leurs péchés? Mais le souvenir des péchés est renouvelé chaque année par ces sacrifices; car il est impossible que le sang des taureaux et des boucs ôte les péchés. C’est pourquoi Christ, entrant dans le monde, dit:

Tu n’as voulu ni sacrifice ni offrande,
Mais tu m’as formé un corps;
Tu n’as agréé ni holocaustes ni sacrifices pour le péché.
Alors j’ai dit: Voici, je viens
(Dans le rouleau du livre il est question de moi)
Pour faire, ô Dieu, ta volonté[a].

Après avoir dit d’abord:

Tu n’as voulu et tu n’as agréé ni sacrifices ni offrandes,
Ni holocaustes ni sacrifices pour le péché

(ce qu’on offre selon la loi), il dit ensuite:

Voici, je viens pour faire ta volonté.

Il supprime[b] ainsi la première chose pour établir la seconde. 10 C’est en vertu de cette volonté que nous sommes sanctifiés, par l’offrande du corps de Jésus-Christ, une fois pour toutes.

11 Et tandis que tout sacrificateur fait chaque jour le service et offre souvent les mêmes sacrifices, qui ne peuvent jamais ôter les péchés, 12 lui, après avoir offert un seul sacrifice pour les péchés, s’est assis pour toujours à la droite de Dieu; 13 il attend désormais que ses ennemis soient devenus son marchepied. 14 Car, par une seule offrande, il a amené à la perfection pour toujours ceux qui sont sanctifiés. 15 C’est ce que le Saint-Esprit nous atteste aussi; car, après avoir dit:

16 Voici l’alliance que je ferai avec eux,
Après ces jours-là, dit le Seigneur:
Je mettrai mes lois dans leur cœur,
Et je les écrirai dans leur esprit[c],

il ajoute[d]:

17 Et je ne me souviendrai plus de leurs péchés ni de leurs iniquités[e].

18 Or, là où il y a pardon des péchés, il n’y a plus d’offrande pour le péché.

Exhortation à la fermeté dans la foi

19 Ainsi donc, frères, nous avons, au moyen du sang de Jésus, une libre entrée dans le sanctuaire 20 par la route nouvelle et vivante qu’il a inaugurée pour nous au travers du voile, c’est-à-dire de sa chair, 21 et nous avons un souverain sacrificateur établi sur la maison de Dieu; 22 approchons-nous donc avec un cœur sincère, dans la plénitude de la foi, les cœurs purifiés d’une mauvaise conscience, et le corps lavé d’une eau pure. 23 Retenons fermement la profession de notre espérance, car celui qui a fait la promesse est fidèle. 24 Veillons les uns sur les autres, pour nous exciter à l’amour et aux bonnes œuvres. 25 N’abandonnons pas notre assemblée, comme c’est la coutume de quelques-uns; mais exhortons-nous réciproquement, et cela d’autant plus que vous voyez s’approcher le jour.

26 Car, si nous péchons volontairement après avoir reçu la connaissance de la vérité, il ne reste plus de sacrifice pour les péchés, 27 mais une attente terrible du jugement et l’ardeur d’un feu qui dévorera les rebelles. 28 Celui qui a violé la loi de Moïse meurt sans miséricorde, sur la déposition de deux ou de trois témoins; 29 de quel pire châtiment pensez-vous que sera jugé digne celui qui aura foulé aux pieds le Fils de Dieu, qui aura tenu pour profane le sang de l’alliance, par lequel il a été sanctifié, et qui aura outragé l’Esprit de la grâce? 30 Car nous connaissons celui qui a dit:

A moi la vengeance, à moi la rétribution[f]!

et encore:

Le Seigneur jugera son peuple[g].

31 C’est une chose terrible de tomber entre les mains du Dieu vivant.

32 Souvenez-vous de ces premiers jours, où, après avoir été éclairés, vous avez soutenu un grand combat au milieu des souffrances, 33 d’une part, exposés comme en spectacle aux opprobres et aux afflictions, et de l’autre, vous associant à ceux dont la position était la même. 34 En effet, vous avez eu de la compassion pour les prisonniers, et vous avez accepté avec joie l’enlèvement de vos biens, sachant que vous avez des biens meilleurs et qui durent toujours. 35 N’abandonnez donc pas votre assurance, à laquelle est attachée une grande rémunération. 36 Car vous avez besoin de persévérance, afin qu’après avoir accompli la volonté de Dieu, vous obteniez ce qui vous est promis. 37 Encore un peu, un peu de temps: celui qui doit venir viendra, et il ne tardera pas. 38 Et mon juste vivra par la foi[h]; mais s’il se retire, mon âme ne prend pas plaisir en lui. 39 Nous, nous ne sommes pas de ceux qui se retirent pour se perdre, mais de ceux qui ont la foi pour sauver leur âme.

Footnotes

  1. Hébreux 10:7 + Ps 40:7-9
  2. Hébreux 10:9 Seg. il abolit
  3. Hébreux 10:16 + Jé 31:33
  4. Hébreux 10:16 Les mots il ajoute ne sont pas dans le texte grec
  5. Hébreux 10:17 + Jé 31:34
  6. Hébreux 10:30 + De 32:35
  7. Hébreux 10:30 + De 32:36
  8. Hébreux 10:38 + Ha 2:4

10 Ang Kautusan ay nagtataglay ng anino lamang ng mabubuting bagay na darating at hindi ng totoong anyo ng mga iyon. Kaya, kailanman ay hindi kaya ng kautusan na gawing ganap ang mga lumalapit sa pamamagitan ng mga alay na laging ihinahandog taun-taon. Kung hindi gayon, sana ay tinigil na ang paghahandog ng mga iyon, kung ang mga sumasamba na nalinis nang minsan ay wala nang kamalayan sa kanilang kasalanan. Ngunit ang mga handog na iyon ay taun-taong nagsisilbing paalala ng mga kasalanan. Sapagkat hindi kayang pawiin ng dugo ng mga toro at ng mga kambing ang mga kasalanan.

Kaya't (A) nang dumating si Cristo sa sanlibutan, sinabi niya,

“Alay at handog, hindi mo kinalugdan,
    ngunit ipinaghanda mo ako ng isang katawan;
sa mga handog para sa kasalanan, sa mga handog na sinusunog,
    sa mga ito ay hindi ka nalugod.
Kaya't sinabi ko, ‘Masdan mo, O Diyos, ako'y dumating upang gawin ang iyong kalooban,
    gaya ng sinasaad tungkol sa akin, sa balumbon ng Kasulatan.’

Nang sabihin niya na, “Alay at handog, hindi mo kinalugdan; sa mga handog para sa kasalanan, sa mga handog na sinusunog,” na ihinahandog ayon sa Kautusan, idinagdag din niya, “Masdan mo, O Diyos, ako'y dumating upang gawin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang pag-aalay upang bigyang-daan ang pangalawa, ang pag-aalay ni Cristo.[a] 10 At dahil sa pagsunod ni Jesu-Cristo sa kalooban ng Diyos, tayo'y ginawang banal dahil sa pag-aalay ng katawan ni Cristo, pag-aalay na minsanan at ang bisa ay magpakailanman.

11 Araw-araw (B) na ginagampanan ng pari ang paglilingkod, paulit-ulit na nag-aalay ng ganoon ding mga handog na hindi naman kailanman nakapapawi ng mga kasalanan. 12 Ngunit (C) minsan lamang naghandog si Cristo ng iisang alay na panghabang-panahon para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Pagkatapos nito'y umupo siya sa kanan ng Diyos. 13 Mula nang panahon na iyon ay naghihintay siya hanggang ang kanyang mga kaaway ay maipailalim sa kanyang mga paa. 14 Sapagkat sa pamamagitan ng isang alay ay kanyang ginawang sakdal magpakailanman ang mga ginagawang banal.

15 Ang Banal na Espiritu ay nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Una ay sinabi niya,

16 “Ito (D) ang pakikipagtipan na gagawin ko sa kanila,
    pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon;
ilalagay ko ang aking mga tuntunin sa kanilang mga puso,
    itatanim ko ang mga iyon sa kanilang pag-iisip,”

17 pagkatapos ay sinabi (E) rin niya,

“Ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.”

18 Dahil mayroon nang kapatawaran sa mga kasalanan, hindi na kailangang mag-alay pa para sa mga ito.

Mga Paalala at Babala

19 Kaya, mga kapatid, mayroon na tayong lakas ng loob na pumasok sa Dakong Kabanal-banalan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daan sa gitna ng tabing; samakatuwid ay sa pamamagitan ng kanyang katawan. 21 At dahil tayo ay may isang Kataas-taasang Pari sa bahay ng Diyos, 22 lumapit tayo (F) sa Diyos na may tapat na puso at lubos na pananampalataya. Lumapit tayo na may pusong winisikan upang maging malinis mula sa maruming budhi at may katawang hinugasan ng dalisay na tubig. 23 Matatag nating panghawakan ang pag-asa na ating ipinapahayag, yamang siya na nangako ay tapat. 24 At isipin natin kung paano natin hihimukin ang isa't isa sa pag-ibig at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba, sa halip ay palakasin ang loob ng isa't isa, lalung-lalo na habang nakikita ninyo na papalapit na ang Araw.

26 Sapagkat kung sinasadya nating magkasala matapos na lubos nating malaman ang katotohanan, wala nang maaari pang ialay para sa mga kasalanan. 27 Sa halip, (G) ang natitira na lamang ay ang paghihintay sa isang kakila-kilabot na paghuhukom, at isang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway. 28 Ang (H) sumuway sa Kautusan ni Moises, batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay walang awang pinapatay. 29 Sa (I) tingin ninyo, hindi ba higit na parusa ang nararapat sa taong yumurak sa Anak ng Diyos at lumapastangan sa dugo ng tipan na nagpabanal sa taong iyon, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya? 30 Sapagkat (J) kilala natin siya na nagsabi nito, “Akin ang paghihiganti, ako ang maniningil.” Sinabi rin, “Huhukuman ng Panginoon ang kanyang bayan.” 31 Kakila-kilabot na bagay ang mahulog mula sa mga kamay ng buháy na Diyos.

32 Alalahanin ninyo ang nagdaang mga araw. Matapos kayong maliwanagan, matibay kayong nanindigan sa gitna ng mga pagtitiis at pakikipaglaban. 33 May mga panahong hayagan kayong inaalipusta at inusig; at may mga panahon ding naging kasama kayo ng mga taong pinaranas ng gayon. 34 Sapagkat kinahabagan ninyo ang mga bilanggo, at tinanggap ninyo nang buong galak ang pagkamkam ng inyong mga ari-arian, palibhasa'y alam ninyo na mayroon kayong kayamanang higit na mabuti at magpakailanman. 35 Kaya't huwag ninyong sayangin ang inyong pagtitiwala sa Diyos, sapagkat nagdudulot ito ng dakilang gantimpala. 36 Sapagkat kailangan ninyong magpakatatag, upang pagkatapos ninyong gampanan ang kalooban ng Diyos ay tatanggapin ninyo ang kanyang ipinangako.

37 Sapagkat (K) “kaunting panahon na lamang,
    Siya na dumarating ay darating at hindi maaantala.
38 Ngunit ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya.
Kung siya'y tumalikod,
    hindi malulugod sa kanya ang aking kaluluwa.

39 Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; sa halip, kabilang tayo sa mga sumasampalataya at naliligtas.

Footnotes

  1. Mga Hebreo 10:9 Sa Griyego, Inalis niya ang una, upang itatag ang ikalawa.