Add parallel Print Page Options
'Genesis 6 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Kasamaan ng Sangkatauhan

Nagsimulang(A) dumami ang mga tao sa balat ng lupa at nagkaanak sila ng mga babae.

Nakita ng mga anak ng Diyos na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao. At sila'y kumuha ng kani-kanilang mga asawa mula sa lahat ng kanilang pinili.

At sinabi ng Panginoon, “Ang aking Espiritu ay hindi laging mananatili sa tao, sapagkat siya'y laman. Subalit ang kanyang mga araw ay magiging isandaan at dalawampung taon.”

Ang(B) mga higante[a] ay nasa lupa nang mga araw na iyon, at kahit pagkatapos noon. Sila ang naging anak nang makipagtalik ang mga anak ng Diyos sa mga anak na babae ng tao. Ang mga ito ang naging makapangyarihan nang unang panahon, mga bantog na mandirigma.

Nakita(C) ng Panginoon na napakasama na ng tao sa lupa, at ang bawat haka ng mga pag-iisip ng kanyang puso ay palagi na lamang masama.

Nalungkot ang Panginoon na kanyang nilalang ang tao sa lupa at nalumbay ang kanyang puso.

Kaya't sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa—ang tao, hayop, ang mga gumagapang, at ang mga ibon sa himpapawid, sapagkat ako'y nalulungkot na nilalang ko sila.”

Subalit si Noe ay nakatagpo ng biyaya sa paningin ng Panginoon.

Si Noe at ang Kanyang mga Anak

Ito(D) ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at walang kapintasan noong kapanahunan niya. Si Noe ay lumakad na kasama ng Diyos.

10 Nagkaanak si Noe ng tatlong lalaki: sina Sem, Ham, at Jafet.

11 At naging masama ang daigdig sa harapan ng Diyos at ang lupa ay napuno ng karahasan.

12 Nakita ng Diyos na ang daigdig ay naging masama sapagkat pinasama ng lahat ng tao ang kanilang gawa sa lupa.

13 At sinabi ng Diyos kay Noe, “Ipinasiya ko nang wakasan ang lahat ng laman sapagkat ang lupa ay napuno ng karahasan nila. Ngayon, sila ay aking lilipuling kasama ng lupa.

14 Gumawa ka ng isang daong na yari sa kahoy na gofer. Gumawa ka ng mga silid sa daong at pahiran mo ito ng alkitran sa loob at labas.

15 Gagawin mo ito sa ganitong paraan: ang haba ng sasakyan ay tatlong daang siko, ang luwang ay limampung siko, at ang taas ay tatlumpung siko.

16 Gagawa ka ng isang bintana sa sasakyan at tapusin mo ito ng isang siko sa dakong itaas. Ilalagay mo ang pintuan ng sasakyan sa kanyang tagiliran. Gagawin mo ito na may una, ikalawa at ikatlong palapag.

17 Ako'y magpapadagsa ng baha ng tubig sa ibabaw ng lupa upang lipulin ang lahat ng laman na may hininga ng buhay sa ilalim ng langit. Ang lahat na nasa lupa ay mamamatay.

18 Ngunit itatatag ko ang aking tipan sa iyo. Ikaw ay sasakay sa daong, ikaw, ang iyong mga anak na lalaki, ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.

19 At sa bawat nabubuhay sa lahat ng laman at magsasakay ka sa loob ng daong ng dalawa sa bawat uri upang maingatan silang buháy na kasama mo. Dapat ay lalaki at babae ang mga ito.

20 Sa mga ibon ayon sa kanilang uri, sa mga hayop ayon sa kanilang uri, sa bawat gumagapang sa lupa ayon sa kanilang uri, dalawa sa bawat uri ang isasama mo upang ang mga iyon ay manatiling buháy.

21 At magbaon ka ng lahat na pagkain at imbakin mo, at magiging pagkain para sa inyo at para sa kanila.”

22 Gayon(E) ang ginawa ni Noe; ginawa niya ang ayon sa lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos.

Footnotes

  1. Genesis 6:4 Sa Hebreo ay Nefilim .

Ang Kasamaan ng Tao

Hindi nagtagal, dumami ang mga tao sa mundo, at marami ang kabataan nilang babae. Nakita ng mga anak ng Dios[a] na ang mga babae ay magaganda. Kaya pumili sila ng magiging asawa nila sa sinumang maibigan nila. Ngayon, sinabi ng Panginoon, “Hindi ko papayagang mabuhay ang tao nang matagal dahil silaʼy tao lamang. Kaya mula ngayon, ang tao ay mabubuhay nang hindi hihigit sa 120 taon.”

Nang panahong iyon, at kahit nitong huli, may mga kilalang tao sa mundo na mula sa lahi ng mga anak ng Dios na nagsipag-asawa ng magagandang babae. Silaʼy makapangyarihan at kilalang tao noong unang panahon.

Nang makita ng Panginoon na ang ginagawa ng mga tao sa mundo ay puro kasamaan lang, at ang palagi nilang iniisip ay masama, nanghinayang siya kung bakit ginawa pa niya ang tao sa mundo. Labis ang kalungkutan niya, kaya sinabi niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong nilikha ko sa buong lupain. At lilipulin ko rin ang lahat ng hayop sa lupa pati ang mga hayop na lumilipad, dahil nanghihinayang ako sa paglikha sa kanila.” Pero may isang tao na nakapagbigay-lugod sa Panginoon, siya ay si Noe.

Si Noe

Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Noe.

Si Noe ay makadios. Siya lang ang namumuhay na matuwid sa kapanahunan niya, at malapit ang kanyang relasyon sa Dios. 10 May tatlo siyang anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet.

11 Napakasama na ng mga tao sa paningin ng Dios, at ang kanilang kasamaan ay laganap na sa mundo. 12 Nakita ng Dios na lubhang masama ang mga tao sa mundo dahil ang ginagawa nila ay puro kasamaan. 13 Kaya sinabi niya kay Noe, “Lilipulin ko ang lahat ng tao. Dahil sa kanila, lumaganap ang kasamaan sa mundo. Lilipulin ko sila kasama ng mundo. 14 Kaya ikaw Noe, gumawa ka ng barko mula sa matibay na kahoy, at gawan mo ito ng mga kwarto. Pagkatapos, pahiran mo ng alkitran ang loob at labas ng barko.[b] 15 Gawin mo ito na may sukat na 450 talampakan ang haba, 75 talampakan ang luwang, at 45 talampakan ang taas. 16 Lagyan mo ng bubong ang barko, at lagyan mo ng agwat na kalahating metro ang dingding at ang bubong. Gawan mo ang barko ng tatlong palapag, at lagyan ng pintuan sa gilid. 17 Sapagkat pababahain ko ang mundo para malipol ang lahat ng nabubuhay. Mamamatay ang lahat ng nasa mundo. 18 Pero gagawa ako ng kasunduan sa iyo. Papasok ka sa barko kasama ng asawa at ng mga anak mo pati ang mga asawa nila. 19 Magpapasok ka rin ng isang lalaki at babae sa bawat uri ng hayop para mabuhay sila kasama mo. 20 Dalawa sa bawat uri ng lahat ng hayop: mga lumilipad, lumalakad at gumagapang. Lalapit sila sa iyo para hindi sila mamatay. 21 Magdala ka rin ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyo at para rin sa mga hayop.”

22 Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Dios sa kanya.

Footnotes

  1. 6:2 mga anak ng Dios: o, mga anghel; o, mga pinuno; o, lahi ni Set.
  2. 6:14 barko: sa ibang salin, arko.