Add parallel Print Page Options

Tinanong siya ng Faraon, “Ilang taon ka na?”

Sumagot siya, “130 taon. Maikli at mahirap po ang naging buhay ko rito sa lupa. Hindi ito umabot sa kahabaan ng buhay ng aking mga ninuno.” 10 Pagkatapos, muli niyang binasbasan ang Faraon,[a] at umalis siya sa harapan ng Faraon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 47:10 muli niyang binasbasan ang Faraon: o, nagpaalam si Jacob sa Faraon na uuwi na siya.

At sinabi ni Faraon kay Jacob, Ilan ang mga araw ng mga taon ng iyong buhay?

At sinabi ni Jacob kay Faraon, (A)Ang mga araw ng mga taon ng aking pakikipamayan ay isang daan at tatlong pung taon; (B)kaunti at masasama ang mga naging araw ng mga taon ng aking buhay, (C)at hindi umabot sa mga araw ng mga taon ng buhay ng aking mga magulang sa mga araw ng kanilang pakikipamayan.

10 (D)At binasbasan ni Jacob si Faraon at umalis sa harapan ni Faraon.

Read full chapter