Genesis 4:8-10
Ang Biblia (1978)
Pagpatay kay Abel.
8 At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, (A)at siya'y kaniyang pinatay.
9 At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, (B)Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?
10 At sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay (C)dumadaing sa akin mula sa lupa.
Read full chapter
Genesis 4:8-10
Ang Biblia, 2001
Ang Pagpatay kay Abel
8 Sinabihan(A) ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel, at nangyari nang sila'y nasa parang, tumindig si Cain laban kay Abel na kanyang kapatid, at ito'y kanyang pinatay.
9 At sinabi ng Panginoon kay Cain, “Nasaan si Abel na iyong kapatid?” At sinabi niya, “Aywan ko! Ako ba'y tagapagbantay ng aking kapatid?”
10 Sinabi(B) niya, “Ano ang ginawa mo? Ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
