Genesis 4:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Sinundan si Cain ng isa pang anak na lalaki, at Abel naman ang ipinangalan dito. Naging pastol ito at si Cain naman ay naging magsasaka. 3 Dumating ang panahon na si Cain ay naghandog kay Yahweh ng ani niya sa bukid. 4 Kinuha(A) naman ni Abel ang isa sa mga panganay ng kanyang kawan. Pinatay niya ito at inihandog ang pinakamainam na bahagi. Si Yahweh ay nasiyahan kay Abel at sa kanyang handog,
Read full chapter
Genesis 4:2-4
Ang Biblia (1978)
2 At sa muli ay ipinanganak ang kaniyang kapatid na si Abel. At si Abel ay tagapagalaga ng mga tupa; datapuwa't si Cain ay mangbubukid ng lupa.
3 At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga (A)bunga ng lupa sa Panginoon.
4 At nagdala rin naman si Abel ng mga (B)panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. (C)At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog:
Read full chapter
Genesis 4:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Kasunod nito ay ipinanganak niya ang kanyang kapatid na si Abel. Si Abel ay tagapag-alaga ng mga tupa at si Cain ay magbubungkal ng lupa.
3 Sa paglipas ng panahon ay nagdala si Cain ng isang handog sa Panginoon mula sa mga bunga ng lupa.
4 Nagdala(A) rin si Abel ng mga panganay ng kanyang kawan, ang taba ng mga iyon. At pinahalagahan ng Panginoon si Abel at ang kanyang handog,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.