Genesis 36
Ang Biblia, 2001
Mga Naging Anak ni Esau(A)
36 Ito ang mga lahi ni Esau, na siya ring Edom.
2 Si(B) Esau ay nag-asawa mula sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Heteo, kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo;
3 kay(C) Basemat na anak ni Ismael, na kapatid ni Nebayot.
4 Ipinanganak ni Ada si Elifaz kay Esau; at ipinanganak ni Basemat si Reuel;
5 at ipinanganak ni Aholibama sina Jeus, Jalam, at Kora. Ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kanya sa lupain ng Canaan.
6 Dinala ni Esau ang kanyang mga asawa, ang kanyang mga anak na lalaki at babae, ang lahat ng tao sa kanyang bahay, ang kanyang hayop, lahat ng kanyang kawan, at ang lahat na kanyang tinipon sa lupain ng Canaan, at pumunta sa isang lupaing malayo sa kanyang kapatid na si Jacob.
7 Sapagkat ang kanilang ari-arian ay totoong napakalaki para sa kanila na manirahang magkasama. Ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi sila makayang tustusan dahilan sa kanilang mga hayop.
8 Kaya't nanirahan si Esau sa bundok ng Seir. Si Esau ay si Edom.
9 Ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir.
10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Elifaz, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemat, na asawa ni Esau.
11 Ang mga anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz.
12 Si Timna ay asawang-lingkod ni Elifaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Elifaz si Amalek. Ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.
13 Ito ang mga anak ni Reuel: sina Nahat, Zera, Shammah, at Mizza. Ito ang mga anak ni Basemat na asawa ni Esau.
14 Ito ang mga anak ni Esau kay Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon. Ipinanganak niya kay Esau sina Jeus, Jalam at Kora.
15 Ito ang mga pinuno sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Elifaz, na panganay ni Esau; ang mga pinunong sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz,
16 Kora, Gatam, at Amalek. Ito ang mga pinunong nagmula kay Elifaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.
17 Ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau: ang mga pinunong sina Nahat, Zera, Shammah, at Mizza. Ito ang mga pinunong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemat na asawa ni Esau.
18 Ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau: ang mga pinunong sina Jeus, Jalam, at Kora. Ito ang mga pinunong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.
19 Ito ang mga anak ni Esau, (na siyang Edom) at ito ang kanilang mga pinuno.
Mga Anak ni Seir(D)
20 Ito ang mga anak ni Seir na Horeo, na naninirahan sa lupain: sina Lotan, Sobal, Zibeon, at si Ana,
21 sina Dishon, Eser, at Disan. Ito ang mga pinunong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.
22 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.
23 Ito ang mga anak ni Sobal: sina Alvan, Manahat, Ebal, Zefo, at si Onam.
24 Ito ang mga anak ni Zibeon: sina Aya at Ana. Ito rin si Ana na nakatagpo ng maiinit na bukal sa ilang, habang kanyang inaalagaan ang mga asno ni Zibeon na kanyang ama.
25 Ito ang mga anak ni Ana: sina Dishon at Aholibama, na anak na babae ni Ana.
26 Ito ang mga anak ni Dishon: sina Hemdan, Esban, Itran, at Cheran.
27 Ito ang mga anak ni Eser: sina Bilhan, Zaavan at Acan.
28 Ito ang mga anak ni Disan: sina Uz at Aran.
29 Ito ang mga pinunong nagmula sa mga Horeo: ang mga pinunong sina Lotan, Sobal, Zibeon, at Ana,
30 Dishon, Eser, at Disan. Ito ang mga pinunong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga angkan, sa lupain ng Seir.
Mga Hari ng Edom(E)
31 Ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinumang hari sa angkan ni Israel.
32 Si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kanyang bayan ay Dinhaba.
33 Namatay si Bela, at naghari na kapalit niya si Jobab na anak ni Zera, na taga-Bosra.
34 Namatay si Jobab at naghari na kapalit niya si Husam, na taga-lupain ng mga Temanita.
35 Namatay si Husam at naghari na kapalit niya si Adad, na anak ni Badad, na siyang gumapi kay Midian sa parang ni Moab at ang pangalan ng kanyang bayan ay Avith.
36 Namatay si Adad at naghari na kapalit niya si Samla na taga-Masreca.
37 Namatay si Samla at naghari na kapalit niya si Shaul na taga-Rehobot na tabi ng Eufrates.
38 Namatay si Shaul at naghari na kapalit niya si Baal-hanan na anak ni Acbor.
39 Namatay si Baal-hanan na anak ni Acbor at naghari na kapalit niya si Adar; at ang pangalan ng kanyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.
40 Ito ang mga pangalan ng mga pinunong nagmula kay Esau, ayon sa kanya-kanyang angkan, ayon sa kanya-kanyang lugar, alinsunod sa kanya-kanyang pangalan: ang mga pinunong sina Timna, Alva, Jetet;
41 Aholibama, Ela, Pinon.
42 Kenaz, Teman, Mibzar.
43 Magdiel, at Hiram. Ito ang mga pinuno ni Edom, ayon sa kanya-kanyang tinitirhan sa lupain na kanilang pag-aari. Siya ay si Esau na ama ng mga Edomita.
Genesis 36
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Lahi ni Esau(A)
36 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Esau (na tinatawag ding Edom).
2 Nakapag-asawa si Esau ng mga babaeng taga-Canaan. Silaʼy sina Ada na anak ni Elon na Heteo, si Oholibama na anak ni Ana at apo ni Zibeon na Hiveo, 3 at si Basemat na kapatid ni Nebayot na anak ni Ishmael.
4 Ang anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz. Ang anak niya kay Basemat ay si Reuel. 5 At ang mga anak niya kay Oholibama ay sina Jeush, Jalam at Kora. Sila ang mga anak ni Esau na isinilang sa Canaan.
6 Dinala ni Esau ang kanyang mga asawaʼt anak, ang lahat ng sakop ng kanyang sambahayan, pati ang mga ari-arian at mga hayop niya na naipon niya sa Canaan. At lumipat siya sa isang lupain na malayo kay Jacob na kanyang kapatid. 7 Sapagkat hindi na sila maaaring magsama sa isang lupain dahil sa dami ng mga ari-arian nila; at ang lupain na kanilang tinitirhan ay hindi sapat sa kanila dahil sa dami ng mga hayop nila. 8 Kaya roon tumira si Esau (na tinatawag ding Edom) sa kabundukan ng Seir.
9 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Esau na ama ng mga Edomita na nakatira sa kabundukan ng Seir.
10 Ang anak na lalaki ni Esau kay Basemat ay si Reuel, at ang anak niyang lalaki kay Ada ay si Elifaz.
11 Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz.
12 May anak ding lalaki si Elifaz sa isa pa niyang asawa na si Timna. Siya ay si Amalek. Sila ang mga apo ni Esau kay Ada.
13 Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shama, at Miza. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.
14 Ang mga anak na lalaki ni Esau kay Oholibama ay sina Jeush, Jalam at Kora. (Si Oholibama ay anak ni Ana at apo ni Zibeon).
15 Ito ang mga lahi ni Esau na naging pinuno ng ibaʼt ibang angkan: Ang mga lahi ng panganay na anak ni Esau na si Elifaz na naging mga pinuno ay sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz, 16 Kora, Gatam at Amalek. Sila ang mga pinuno sa lupain ng Edom na nagmula kay Elifaz. Sila ay nagmula sa asawa ni Esau na si Ada.
17 Naging pinuno rin sa Edom ang mga anak ni Reuel na sina Nahat, Zera, Shama, at Miza. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.
18 Naging pinuno rin ang mga anak ni Esau kay Oholibama na anak ni Ana. Sila ay sina Jeush, Jalam at Kora.
19 Silang lahat ang lahi ni Esau na mga pinuno ng Edom.
Ang mga Lahi ni Seir(B)
20 Ito ang mga anak na lalaki ni Seir na Horeo na nakatira sa Edom: Si Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, 21 Dishon, Ezer at Dishan. Naging pinuno rin sila ng mga Horeo na nakatira sa Edom.
22 Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Heman.[a] Si Lotan ay mayroong kapatid na babae na si Timna na isa pang asawa ni Elifaz.
23 Ang mga anak na lalaki ni Shobal ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Shefo at Onam.
24 Ang mga anak na lalaki ni Zibeon ay sina Aya at Ana. Si Ana ang nakatuklas ng bukal doon sa ilang habang nagpapastol siya ng mga asno ng kanyang ama.
25 Ang mga anak ni Ana ay sina Dishon at Oholibama.
26 Ang mga anak na lalaki ni Dishon ay sina Hemdan, Eshban, Itran at Keran.
27 Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan at Akan.
28 Ang mga anak na lalaki ni Dishan ay sina Uz at Aran.
29-30 Ito naman ang mga pinuno batay sa bawat lahi ng mga Horeo na may pinamamahalaang lupain sa Seir: sina Lotan, Shobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer at Dishan.
Ang mga Hari ng Edom(C)
31 Ito ang mga hari ng Edom noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:
32 Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.
33 Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra.
34 Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman.
35 Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang tumalo sa mga Midianita roon sa Moab.
36 Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka.
37 Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa ilog.[b]
38 Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor.
39 Pagkamatay ni Baal Hanan na anak ni Acbor, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Me-Zahab.
40-43 Si Esau (na tinatawag ding Edom) ang pinagmulan ng mga Edomita. At ito ang mga naging pinuno sa mga lahi ni Esau na ang angkan at lupain ay ipinangalan sa kanila: Timna, Alva, Jetet, Oholibama, Elah, Pinon, Kenaz, Teman, Mibzar, Magdiel, at Iram.
Genesis 36
Ang Biblia (1978)
Mga Inanak ni Esau.
36 Ito nga ang mga lahi ni Esau ((A)na siyang Edom).
2 (B)Si Esau ay nagasawa sa mga anak ng Canaan; kay Ada na anak ni Elon na Hethoh, (C)at kay Aholibama, anak ni Ana na anak ni Zibeon na Heveo.
3 (D)At kay Basemath na anak ni Ismael, na kapatid ni Nabaiot.
4 (E)At ipinanganak si Eliphaz ni Ada kay Esau; at ipinanganak ni Basemath si Reuel;
5 At ipinanganak ni Aholibama si Jeus, at si Jaalam at si Cora; ito ang mga anak ni Esau, na ipinanganak sa kaniya sa lupain ng Canaan.
6 At dinala ni Esau ang kaniyang mga asawa, at ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at ang lahat ng tao sa kaniyang bahay, at ang kaniyang hayop, at ang lahat ng kaniyang kawan, at ang lahat niyang tinatangkilik na kaniyang tinipon sa lupain ng Canaan; at napasa ibang lupaing bukod kay Jacob na kaniyang kapatid.
7 (F)Sapagka't ang kanilang pagaari ay totoong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama (G)at ang lupain na kanilang pinaglakbayan ay hindi makaya sila, sapagka't napakarami ang kanilang hayop.
8 (H)At tumahan si Esau sa bundok ng Seir: si (I)Esau ay siyang Edom.
9 At ito ang mga lahi ni Esau, na ama ng mga Edomita sa bundok ng Seir:
10 Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau.
11 At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz.
12 At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si (J)Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.
13 At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau.
14 At ito ang mga anak ni (K)Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon, na asawa ni Esau: at ipinanganak niya kay Esau: si Jeus at si Jaalam at si Cora.
15 Ito ang mga (L)pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga (M)anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,
16 Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada.
17 At ito ang mga anak ni (N)Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau.
18 At ito ang mga anak ni (O)Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau.
19 Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom.
Mga anak ni Seir.
20 (P)Ito ang mga anak ni Seir na (Q)Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana,
21 At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom.
22 At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.
23 At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam.
24 At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama.
25 At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana.
26 At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran.
27 Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan.
28 Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran.
29 Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong (R)Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana,
30 Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir.
Mga Hari ng Edom.
31 (S)At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel.
32 At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba.
33 At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra.
34 At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo.
35 At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita.
36 At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca.
37 At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga (T)Rehoboth na tabi ng Ilog.
38 At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor.
39 At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, (U)at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab.
40 (V)At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth;
41 Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon.
42 Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar.
43 Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pagaari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
