Genesis 35:3-5
Ang Biblia, 2001
3 Tayo'y umahon sa Bethel; at gagawa ako roon ng dambana para sa Diyos na sumagot sa akin sa araw ng aking kabalisahan at naging kasama ko saanman ako nagtungo.”
4 Kaya ibinigay nila kay Jacob ang lahat ng mga banyagang diyos na nasa kanilang kamay at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; at itinago iyon ni Jacob sa ilalim ng punong ensina na malapit sa Shekem.
5 Habang sila'y naglalakbay, ang matinding takot sa Diyos ay dumating sa mga bayang nasa palibot nila, at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob.
Read full chapter
Genesis 35:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At tayo'y magsitindig at magsisampa tayo sa (A)Bethel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, (B)at sumaakin sa daan na aking nilakaran.
4 At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; (C)at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem.
5 At sila'y naglakbay; (D)at ang isang malaking sindak mula sa Dios ay sumabayan na nasa mga palibot nila, at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
