Genesis 35:16-19
Ang Biblia, 2001
Ang Kamatayan ni Raquel
16 Sila'y naglakbay mula sa Bethel. Nang sila ay may kalayuan pa mula sa Efrata, ay manganganak na si Raquel at siya'y naghihirap sa panganganak.
17 Nang siya'y naghihirap sa panganganak, sinabi sa kanya ng hilot, “Huwag kang matakot, sapagkat magkakaroon ka ng isa pang anak na lalaki.”
18 Habang siya'y naghihingalo (sapagkat namatay siya), kanyang pinangalanan siyang Benoni;[a] subalit tinawag siyang Benjamin[b] ng kanyang ama.
19 Kaya't namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa Efrata, na siyang Bethlehem.
Read full chapterFootnotes
- Genesis 35:18 Sa Hebreo ay Anak sa aking kalungkutan .
- Genesis 35:18 Sa Hebreo ay Anak ng kanang kamay .
Genesis 35:16-19
Ang Biblia (1978)
16 At sila'y naglakbay mula sa Bethel; at may kalayuan pa upang dumating sa Ephrata: at nagdamdam si Raquel, at siya'y naghihirap sa panganganak.
17 At nangyari, nang siya'y naghihirap sa panganganak, na sinabi sa kaniya ng hilot, Huwag kang matakot, (A)sapagka't magkakaroon ka ng isa pang anak na lalake.
18 At nangyari, nang nalalagot ang kaniyang hininga (sapagka't namatay siya), ay kaniyang pinanganlang Benoni:[a] datapuwa't pinanganlan ng kaniyang ama na Benjamin.[b]
19 (B)At namatay si Raquel at inilibing sa daang patungo sa (C)Ephrata (na siyang Beth-lehem).
Read full chapterFootnotes
- Genesis 35:18 Anak sa aking paghihirap.
- Genesis 35:18 Anak ng kanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
