Add parallel Print Page Options

17 At(A) kay Adan ay kanyang sinabi,

“Sapagkat nakinig ka sa tinig ng iyong asawa,
    at kumain ka ng bunga ng punungkahoy
na aking iniutos sa iyo na,
    ‘Huwag kang kakain niyon,’
sumpain ang lupa dahil sa iyo.
    Kakain ka mula sa kanya sa pamamagitan ng iyong mabigat na paggawa sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;
18 mga tinik at dawag ang sisibol doon para sa iyo,
    at kakain ka ng tanim sa parang.
19 Sa pawis ng iyong mukha
    ay kakain ka ng tinapay,
hanggang ikaw ay bumalik sa lupa;
    sapagkat diyan ka kinuha.
Ikaw ay alabok
    at sa alabok ka babalik.”

Read full chapter

17 At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na (A)sinabi, Huwag kang kakain niyaon; (B)sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa (C)pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;

18 Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;

19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: (D)sapagka't ikaw ay alabok (E)at sa alabok ka uuwi.

Read full chapter
'Genesis 3:17-19' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.