Genesis 17:25-27
Ang Biblia (1978)
25 At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.
26 Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.
27 (A)At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.
Read full chapter
Genesis 17:25-27
Ang Biblia, 2001
25 At si Ismael ay labintatlong taon nang tuliin ang balat ng kanyang maselang bahagi.
26 Nang araw ding iyon ay tinuli si Abraham at si Ismael na kanyang anak.
27 At lahat ng lalaking kasambahay niya, maging ang mga aliping ipinanganak sa bahay niya at ang mga binili ng salapi sa taga-ibang lupain ay tinuling kasama niya.
Read full chapter
Genesis 17:25-27
Ang Dating Biblia (1905)
25 At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.
26 Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.
27 At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.
Read full chapter
Genesis 17:25-27
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
25 at si Ishmael naman ay 13 taong gulang na. 26-27 Sa mismong araw na iyon na nag-utos ang Dios na ang lahat ng lalaki ay dapat tuliin, nagpatuli si Abraham at si Ishmael pati ang lahat ng alipin ni Abraham na isinilang sa sambahayan niya at ang mga alipin na binili niya sa mga taga-ibang lugar.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
