Genesis 16
Ang Biblia (1978)
Si Sarai at si Agar.
16 Si Sarai nga na asawa ni Abram ay (A)hindi nagkaanak sa kaniya; at siya'y may isang alilang babae na (B)taga Egipto, na nagngangalang (C)Agar.
2 At sinabi ni Sarai kay Abram, Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking (D)alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.
3 At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang (E)alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya.
4 At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay (F)niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin.
5 At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang (G)humatol sa akin at sa iyo.
6 Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.
7 At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa (H)tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.
8 At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon.
9 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay.
10 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, (I)Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.
11 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't dininig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian.
12 (J)At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; (K)at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.
13 At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin?
14 Kaya't nginalanan ang balong yaon (L)Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; (M)narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered.
Panganganak kay Ismael.
15 At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar, ay (N)Ismael.
16 At si Abram ay may walong pu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram.
Geneza 16
Cornilescu 1924 - Revised 2010, 2014
Sarai şi Agar
16 Sarai, nevasta lui Avram, nu-i născuse(A) deloc copii. Ea avea o roabă(B) egipteancă, numită Agar(C). 2 Şi Sarai a zis(D) lui Avram: „Iată, Domnul m-a făcut(E) stearpă; intră(F), te rog, la roaba mea; poate că voi avea copii de la ea.” Avram a ascultat(G) cele spuse de Sarai. 3 Atunci, Sarai, nevasta lui Avram, a luat pe egipteanca Agar, roaba ei, şi a dat-o de nevastă bărbatului său, Avram, după ce Avram locuise(H) ca străin zece ani în ţara Canaan. 4 El a intrat la Agar, şi ea a rămas însărcinată. Când s-a văzut ea însărcinată, a privit cu dispreţ(I) pe stăpână-sa. 5 Şi Sarai a zis lui Avram: „Asupra ta să cadă batjocura aceasta, care mi se face! Eu însumi ţi-am dat în braţe pe roaba mea, şi ea, când a văzut că a rămas însărcinată, m-a privit cu dispreţ. Să judece(J) Domnul între mine şi tine!” 6 Avram(K) a răspuns Saraiei: „Iată(L), roaba ta este în mâna ta; fă-i ce-ţi place!” Atunci, Sarai s-a purtat rău cu ea, şi Agar(M) a fugit de ea.
Fuga Agarei. Naşterea lui Ismael
7 Îngerul Domnului a găsit-o lângă un izvor de apă în pustie, şi anume lângă izvorul(N) care este pe drumul ce duce la Şur(O). 8 El a zis: „Agar, roaba Saraiei, de unde vii şi unde te duci?” Ea a răspuns: „Fug de stăpâna mea Sarai.” 9 Îngerul Domnului i-a zis: „Întoarce-te la stăpână-ta şi supune-te(P) sub mâna ei.” 10 Îngerul Domnului i-a zis: „Îţi voi înmulţi(Q) foarte mult sămânţa şi ea va fi atât de multă la număr, că nu va putea fi numărată.” 11 Îngerul Domnului i-a zis: „Iată, acum eşti însărcinată şi vei naşte un fiu, căruia îi vei pune numele(R) Ismael[a], căci Domnul a auzit mâhnirea ta. 12 El va fi ca(S) un măgar sălbatic printre oameni; mâna lui va fi împotriva tuturor oamenilor, şi mâna tuturor oamenilor va fi împotriva lui şi va locui în(T) faţa tuturor fraţilor lui.” 13 Ea a numit Numele Domnului care-i vorbise: „Tu eşti Dumnezeul care mă vede[b]!” Căci a zis ea: „Cu adevărat, am văzut(U) aici spatele Celui ce m-a văzut!” 14 De aceea, fântâna aceea s-a numit „Fântâna(V) Celui viu care mă vede[c]”; ea este între(W) Cades şi Bared. 15 Agar(X) a născut lui Avram un fiu şi Avram a pus fiului pe care i l-a născut Agar numele Ismael(Y). 16 Avram era de optzeci şi şase de ani când i-a născut Agar pe Ismael.
Footnotes
- Geneza 16:11 Ismael: din două cuvinte, care înseamnă: Dumnezeu aude.
- Geneza 16:13 Evreieşte: El-Roi.
- Geneza 16:14 Evreieşte: Lahai-Roi.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright of the Cornilescu Bible © 1924 belongs to British and Foreign Bible Society. Copyright © 2010, 2014 of the revised edition in Romanian language belongs to the Interconfessional Bible Society of Romania, with the approval of the British and Foreign Bible Society.

