Add parallel Print Page Options

Ang Kasunduan ng Dios at ni Abram

15 Pagkatapos noon, nagsalita ang Panginoon kay Abram sa pamamagitan ng isang pangitain. Sinabi niya, “Abram, huwag kang matakot dahil ako ang magiging kalasag mo at gagantimpalaan kita.”

Pero sinabi ni Abram, “O Panginoong Dios, ano po ang halaga ng gantimpala nʼyo sa akin dahil hanggang ngayon ay wala pa po akong anak. Ang magiging tagapagmana ko po ay si Eliezer na taga-Damascus. Dahil hindi nʼyo po ako binigyan ng anak, kaya isa sa mga alipin ng sambahayan ko ang magmamana ng mga ari-arian ko.”

Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Hindi siya ang magmamana ng mga ari-arian mo kundi ang sarili mong anak.” Pagkatapos, dinala siya ng Panginoon sa labas at sinabi, “Masdan mo ang mga bituin sa langit, bilangin mo kung makakaya mo. Magiging ganyan din karami ang lahi mo.”

Nanalig si Abram sa Panginoon. At dahil dito, itinuring siyang matuwid.

Sinabi pa niya kay Abram, “Ako ang Panginoon na nag-utos sa iyo na lisanin ang Ur na sakop ng mga Caldeo[a] para ibigay sa iyo ang lupaing ito at magiging pag-aari mo.”

Pero sinabi ni Abram, “O Panginoong Dios, paano ko po malalaman na magiging akin ito?”

Sumagot ang Panginoon, “Dalhan mo ako rito ng isang dumalagang baka, isang babaeng kambing, at isang lalaking tupa, na ang bawat isaʼy tatlong taon ang gulang. At magdala ka rin ng isang inakay na batu-bato at isang inakay na kalapati.”

10 Kaya dinala ni Abram ang lahat ng ito sa Panginoon. Pagkatapos, pinaghati-hati niya at inilapag sa gitna na magkakatapat ang bawat kabiyak. Ang batu-bato lamang at ang kalapati ang hindi niya hinati. 11 Dumadapo sa hinating mga hayop ang mga ibong kumakain ng patay, pero binubugaw ito ni Abram.

12 Nang palubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram at matinding takot ang dumating sa kanya. 13 Pagkatapos, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Siguradong ang iyong mga lahi ay maninirahan sa ibang bansa, at gagawin silang mga alipin doon at pagmamalupitan sa loob ng 400 taon. 14 Ngunit parurusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Pagkatapos, aalis sila sa bansang iyon na dala ang maraming kayamanan. 15 Ikaw naman Abram, pahahabain ko ang buhay mo at mamamatay ka sa katandaan na may kapayapaan. 16 Lilipas muna ang apat na henerasyon bago makabalik dito ang mga lahi mo, dahil hindi pa umaabot sa sukdulan ang pagkakasala ng mga Amoreo para parusahan sila at paalisin sa lupaing ito.”

17 Nang lumubog na ang araw at dumilim na, biglang may nakita si Abram na palayok na umuusok at nakasinding sulo, na dumaraan sa gitna ng mga hinating hayop. 18 Sa araw na iyon, gumawa ng kasunduan ang Panginoon kay Abram. Sinabi niya, “Ibibigay ko sa mga lahi mo ang lupaing ito mula sa dulo ng ilog na hangganan ng Egipto hanggang sa malaking ilog na Eufrates. 19 Ito ang lupain ng mga Keneo, Kenizeo, Kadmoneo, 20 Heteo, Perezeo, Refaimeo, 21 Amoreo, Cananeo, Gergaseo, at mga Jebuseo.”

Footnotes

  1. 15:7 Caldeo: Mga tao na nakatira noon sa timog ng Babilonia. Nang bandang huli, naging Caldeo ang tawag sa mga taga-Babilonia.

God’s Covenant with Abram(A)

15 After these things the word of the Lord came to Abram (B)in a vision, saying, (C)“Do not be afraid, Abram. I am your (D)shield, [a]your exceedingly (E)great reward.”

(F)But Abram said, “Lord God, what will You give me, (G)seeing I [b]go childless, and the heir of my house is Eliezer of Damascus?” Then Abram said, “Look, You have given me no offspring; indeed (H)one[c] born in my house is my heir!”

And behold, the word of the Lord came to him, saying, “This one shall not be your heir, but one who (I)will come from your own body shall be your heir.” Then He brought him outside and said, “Look now toward heaven, and (J)count the (K)stars if you are able to number them.” And He said to him, (L)“So shall your (M)descendants be.”

And he (N)believed in the Lord, and He (O)accounted it to him for righteousness.

Then He said to him, “I am the Lord, who (P)brought you out of (Q)Ur of the Chaldeans, (R)to give you this land to inherit it.”

And he said, “Lord God, (S)how shall I know that I will inherit it?”

So He said to him, “Bring Me a three-year-old heifer, a three-year-old female goat, a three-year-old ram, a turtledove, and a young pigeon.” 10 Then he brought all these to Him and (T)cut them in two, down the middle, and placed each piece opposite the other; but he did not cut (U)the birds in two. 11 And when the vultures came down on the carcasses, Abram drove them away.

12 Now when the sun was going down, (V)a deep sleep fell upon Abram; and behold, horror and great darkness fell upon him. 13 Then He said to Abram: “Know certainly (W)that your descendants will be strangers in a land that is not theirs, and will serve them, and (X)they will afflict them four hundred years. 14 And also the nation whom they serve (Y)I will judge; afterward (Z)they shall come out with great possessions. 15 Now as for you, (AA)you shall [d]go (AB)to your fathers in peace; (AC)you shall be buried at a good old age. 16 But (AD)in the fourth generation they shall return here, for the iniquity (AE)of the Amorites (AF)is not yet complete.”

17 And it came to pass, when the sun went down and it was dark, that behold, there appeared a smoking oven and a burning torch that (AG)passed between those pieces. 18 On the same day the Lord (AH)made a covenant with Abram, saying:

(AI)“To your descendants I have given this land, from the river of Egypt to the great river, the River Euphrates— 19 the Kenites, the Kenezzites, the Kadmonites, 20 the Hittites, the Perizzites, the Rephaim, 21 the Amorites, the Canaanites, the Girgashites, and the Jebusites.”

Footnotes

  1. Genesis 15:1 Or your reward shall be very great
  2. Genesis 15:2 am childless
  3. Genesis 15:3 a servant
  4. Genesis 15:15 Die and join your ancestors