Genesis 1:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Kasaysayan ng Paglikha
1 Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;[a] 2 ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos[b] sa ibabaw ng tubig. 3 Sinabi(A) ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga.
Read full chapter
Genesis 1:1-3
Ang Biblia (1978)
Nilalang ng Dios ang sanglibutan.
1 Nang (A)pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
2 At ang lupa ay walang anyo at (B)walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
3 At sinabi ng Dios (C)Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
Read full chapter
Genesis 1:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Kasaysayan ng Paglalang
1 Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit[a] at ang lupa.
2 Ang lupa ay walang anyo at walang laman, at binalot sa kadiliman ang kalaliman samantalang ang Espiritu ng Diyos[b] ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig.
3 At(A) sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon ng liwanag.
Read full chapterFootnotes
- Genesis 1:1 Sa Hebreo ay mga langit .
- Genesis 1:2 o hangin mula sa Diyos .
Genesis 1:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
1 Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
