Mga Gawa 4:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila (A)ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang (B)pagkabuhay na maguli sa mga patay.
3 At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na.
4 Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at (C)ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo.
Read full chapter
Mga Gawa 4:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Labis ang galit ng mga ito sapagkat nagtuturo sila sa mga tao, at nagpapahayag na si Jesus ay muling nabuhay, na siyang katibayan ng muling pagkabuhay ng mga patay. 3 Kaya dinakip nila ang dalawa at ikinulong hanggang kinaumagahan sapagkat gabi na noon. 4 Gayunma'y marami sa mga nakarinig sa kanilang ipinangaral ang sumampalataya; at umabot ang bilang nila sa may limang libong lalaki.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.