Add parallel Print Page Options

23 Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan, at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan, sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo.

24 At sinabi ni Festo, Haring Agripa, at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito, na tungkol sa kaniya'y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio, na nangagsisigawang (A)hindi marapat na siya'y mabuhay pa.

25 Datapuwa't aking nasumpungang siya'y (B)walang anomang ginawang marapat sa kamatayan: at sapagka't (C)siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya'y ipadala.

Read full chapter

23 Kinabukasa'y buong ringal na dumating sina Agripa at Bernice. Pumasok sila sa bulwagan ng hukuman kasama ang mga punong kapitan at ang mga kilalang tao sa lungsod. Pagkatapos ay ipinasok si Pablo sa utos ni Festo. 24 Sinabi ni Festo, “Haring Agripa, at lahat ng mga kasama namin ngayon, masdan ninyo ang taong ito na ipinagsakdal sa akin ng sambayanan ng mga Judio dito at sa Jerusalem. Ipinagsisigawan nilang wala na siyang karapatang mabuhay. 25 Ngunit wala akong natagpuang anuman upang parusahan siya ng kamatayan. Sapagkat mismong siya ay dumudulog sa Emperador, ipinasya kong siya'y ipadala roon.

Read full chapter