Add parallel Print Page Options

At sa kanila'y may napakitang mga dilang kawangis ng (A)apoy, na nagkabahabahagi; at dumapo sa bawa't isa sa kanila.

At silang lahat (B)ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang (C)magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.

May mga nagsisitahan nga sa Jerusalem na mga Judio, mga lalaking religioso, na buhat sa bawa't bansa sa ilalim ng langit.

At nang marinig ang ugong na ito, ay nangagkatipon ang karamihan, at nangamaang, sapagka't sa kanila'y narinig ng bawa't isa na sinasalita ang kaniyang sariling wika.

At silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi, Narito, hindi baga (D)mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?

Read full chapter