Add parallel Print Page Options

Si Pablo sa Efeso

19 Nangyari, na samantalang si Apollos ay nasa Corinto, tinahak ni Pablo ang daan sa hilaga at dumating sa Efeso. Nakasumpong siya roon ng ilang alagad.

Sinabi niya sa kanila: Tinanggap ba ninyo ang Banal na Espiritu nang sumampalataya kayo?

Sinabi nila sa kaniya: Hindi man lang namin narinig na may Banal na Espiritu.

Sinabi niya: Kung gayon, anong bawtismo ang tinanggap ninyo?

Sinabi nila: Ang bawtismo ni Juan.

Sinabi ni Pablo: Nagbawtismo nga si Juan ng bawtismo ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga tao na sila ay dapat sumam­palataya sa kaniya na darating sa hulihan niya, samakatuwid ay si Jesus na siyang Mesiyas. Nang ito ay marinig ng mga taga-Efeso, sila ay nabawtismuhan sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang ipinatong ni Pablo ang kaniyang mga kamay sa kanila, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu. Sila ay nagsalita ng mga wika at naghayag ng salita ng Diyos.

Read full chapter