Add parallel Print Page Options

Ang Pagpupulong sa Jerusalem

15 May (A) ilang taong dumating sa Antioquia mula sa Judea na nagtuturo ng ganito sa mga kapatid, “Malibang kayo'y tuliin ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas.” Mahigpit na nakipagtalo sina Pablo at Bernabe sa kanila tungkol dito. At dahil naging mainit ang kanilang salungatan, sina Pablo at Bernabe, kasama ang iba pa, ay inatasang pumunta sa Jerusalem upang isangguni ang suliraning ito sa mga apostol at sa matatandang tagapamahala ng iglesya. Sinugo nga sila ng iglesya. Sa kanilang pagdaan sa Fenicia at Samaria, iniulat nila ang pagbabalik-loob ng mga Hentil, na nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid. Nang makarating sila sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng buong iglesya, ng mga apostol at ng matatanda. Iniulat nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila. Subalit tumindig ang ilang kaanib sa pangkat ng mga Fariseo at nagsabi, “Kailangang tuliin ang mga Hentil at utusang sundin ang Kautusan ni Moises.” Nagtipon ang mga apostol at ang matatanda upang pag-usapan ang bagay na ito. Pagkatapos (B) ng maraming talakayan, tumindig si Pedro at sinabi sa kanila, “Mga kapatid, nalalaman ninyo na noon ay hinirang ako ng Diyos mula sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking pangangaral ay mapakinggan ng mga Hentil ang Magandang Balita, at sila'y sumampalataya. At (C) ang Diyos na nakaaalam ng puso ng tao ay nagpatunay sa kanila nang pagkalooban sila ng Banal na Espiritu tulad ng nangyari sa atin. Walang pagtatangi na ginawa ang Diyos sa atin at sa kanila; sa halip, nilinis din niya ang kanilang mga puso nang sila'y sumampalataya. 10 Kaya ngayon, bakit ninyo sinusubok ang Diyos at iniaatang sa mga alagad ang mga pasaning kahit tayo o ang ating mga ninuno'y hindi nakayang pasanin? 11 Sumasampalataya tayo na tayo'y maliligtas sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Panginoong Jesus, gayundin sila.” 12 Tumahimik ang buong kapulungan at pinakinggan ang salaysay nina Bernabe at Pablo tungkol sa mga himala at kababalaghang ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila. 13 Pagkatapos nila, si Santiago naman ang nagsalita, “Mga kapatid, pakinggan ninyo ako. 14 Ipinaliwanag na ni Simon[a] kung paanong unang dinalaw ng Diyos ang mga Hentil, upang sila rin ay maging bayan para sa kanyang pangalan. 15 Sumasang-ayon dito ang mga salita ng mga propeta, tulad ng nasusulat,

16 ‘Pagkatapos (D) ng mga ito, ako'y babalik,
at muli kong itatayo ang bumagsak na tolda ni David;
    muli ko itong ibabangon mula sa pagkaguho,
17 upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon,
    at ng lahat ng mga Hentil na tinatawag sa aking pangalan,
    sabi ng Panginoon na gumawa ng mga ito,
18 na nagpakilala mula noong una.’

19 Kaya't ako'y humahatol na huwag na nating pahirapan ang mga Hentil na nagbabalik-loob sa Diyos. 20 Sa (E) halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing pinarumi dahil ihinandog sa diyus-diyosan, huwag makiapid, at huwag kumain ng dugo at ng hayop na binigti. 21 Sapagkat noong araw pa ay ipinangangaral na ang Kautusan ni Moises sa bawat lungsod at binabasa sa mga sinagoga tuwing Sabbath.”

Ang Sulat sa mga Mananampalatayang Hentil

22 Nang magkagayo'y minabuti ng mga apostol at ng matatandang tagapamahala, at ng buong iglesya, na pumili ng mga lalaki mula sa kanilang hanay at isugo sa Antioquia kasama nina Pablo at Bernabe. Isinugo nila si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas, mga lalaking iginagalang ng mga kapatid. 23 Sa pamamagitan nila'y ipinadala ang liham na ganito ang nilalaman:

“Kaming mga apostol, mga matatanda, at mga kapatid ay bumabati sa mga kapatid na Hentil na nasa Antioquia, Syria at Cilicia. 24 Yamang nabalitaan namin na ginugulo kayo ng ilang tao na galing dito, kahit hindi namin sila inutusan, 25 napagkasunduan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating mga minamahal na sina Bernabe at Pablo, 26 mga taong nagsuong sa panganib ng kanilang buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 27 Isinugo namin sina Judas at Silas upang ipaliwanag sa inyo ang nilalaman ng liham na ito. 28 Minabuti ng Banal na Espiritu at minabuti rin naming huwag na kayong bigyan ng mabigat na pasanin maliban sa mga ito na talagang kailangan: 29 Huwag kayong kakain ng anumang ihinandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo, at ng mga binigting hayop. Huwag kayong makikiapid. Iwasan ninyo ang mga bagay na ito at mapapabuti kayo. Paalam.”

30 Pinaalis ang mga sugo at pumunta ang mga ito sa Antioquia. Nang matipon na nila ang kapulungan ay kanilang ibinigay ang sulat. 31 Pagkabasa nila nito, sila ay nagalak sa kanilang narinig. 32 Sina Judas at Silas, na mga propeta rin, ay marami pang sinabi na nagpalakas ng loob at nagpatatag sa mga kapatid. 33 Pagkatapos na manatili roon ng ilang panahon, sila'y payapang pinabalik ng mga kapatid sa mga nagsugo sa kanila. 34 [Ngunit minabuti ni Silas ang manatili roon.][b] 35 Nanatili sina Pablo at Bernabe sa Antioquia, at kasama ng marami pang iba, ay nagturo at nangaral ng salita ng Panginoon.

Ang Paghihiwalay nina Pablo at Bernabe

36 Makaraan ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa bawat lungsod na pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang kalagayan nila.” 37 Nais ni Bernabe na kanilang isama si Juan, na tinatawag ding Marcos. 38 Ngunit (F) iginiit ni Pablo na huwag itong isama, sapagkat humiwalay ito noon at mula sa Pamfilia ay hindi na sumama sa kanilang gawain. 39 Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na humantong sa kanilang paghihiwalay. Isinama ni Bernabe si Marcos, at naglayag patungong Cyprus. 40 Pinili naman ni Pablo si Silas, at sila'y umalis matapos ipagtagubilin ng mga kapatid sa pag-iingat ng Panginoon. 41 Naglakbay siya sa Syria at Cilicia at pinatatag ang mga iglesya.

Footnotes

  1. Mga Gawa 15:14 Simon: Sa Griyego, Simeon.
  2. Mga Gawa 15:34 Wala ang talatang ito sa mga mas naunang manuskrito.

The Council at Jerusalem

15 Certain people(A) came down from Judea to Antioch and were teaching the believers:(B) “Unless you are circumcised,(C) according to the custom taught by Moses,(D) you cannot be saved.” This brought Paul and Barnabas into sharp dispute and debate with them. So Paul and Barnabas were appointed, along with some other believers, to go up to Jerusalem(E) to see the apostles and elders(F) about this question. The church sent them on their way, and as they traveled through Phoenicia(G) and Samaria, they told how the Gentiles had been converted.(H) This news made all the believers very glad. When they came to Jerusalem, they were welcomed by the church and the apostles and elders, to whom they reported everything God had done through them.(I)

Then some of the believers who belonged to the party(J) of the Pharisees(K) stood up and said, “The Gentiles must be circumcised and required to keep the law of Moses.”(L)

The apostles and elders met to consider this question. After much discussion, Peter got up and addressed them: “Brothers, you know that some time ago God made a choice among you that the Gentiles might hear from my lips the message of the gospel and believe.(M) God, who knows the heart,(N) showed that he accepted them by giving the Holy Spirit to them,(O) just as he did to us. He did not discriminate between us and them,(P) for he purified their hearts by faith.(Q) 10 Now then, why do you try to test God(R) by putting on the necks of Gentiles a yoke(S) that neither we nor our ancestors have been able to bear? 11 No! We believe it is through the grace(T) of our Lord Jesus that we are saved, just as they are.”

12 The whole assembly became silent as they listened to Barnabas and Paul telling about the signs and wonders(U) God had done among the Gentiles through them.(V) 13 When they finished, James(W) spoke up. “Brothers,” he said, “listen to me. 14 Simon[a] has described to us how God first intervened to choose a people for his name from the Gentiles.(X) 15 The words of the prophets are in agreement with this, as it is written:

16 “‘After this I will return
    and rebuild David’s fallen tent.
Its ruins I will rebuild,
    and I will restore it,
17 that the rest of mankind may seek the Lord,
    even all the Gentiles who bear my name,
says the Lord, who does these things’[b](Y)
18     things known from long ago.[c](Z)

19 “It is my judgment, therefore, that we should not make it difficult for the Gentiles who are turning to God. 20 Instead we should write to them, telling them to abstain from food polluted by idols,(AA) from sexual immorality,(AB) from the meat of strangled animals and from blood.(AC) 21 For the law of Moses has been preached in every city from the earliest times and is read in the synagogues on every Sabbath.”(AD)

The Council’s Letter to Gentile Believers

22 Then the apostles and elders,(AE) with the whole church, decided to choose some of their own men and send them to Antioch(AF) with Paul and Barnabas. They chose Judas (called Barsabbas) and Silas,(AG) men who were leaders among the believers. 23 With them they sent the following letter:

The apostles and elders, your brothers,

To the Gentile believers in Antioch,(AH) Syria(AI) and Cilicia:(AJ)

Greetings.(AK)

24 We have heard that some went out from us without our authorization and disturbed you, troubling your minds by what they said.(AL) 25 So we all agreed to choose some men and send them to you with our dear friends Barnabas and Paul— 26 men who have risked their lives(AM) for the name of our Lord Jesus Christ. 27 Therefore we are sending Judas and Silas(AN) to confirm by word of mouth what we are writing. 28 It seemed good to the Holy Spirit(AO) and to us not to burden you with anything beyond the following requirements: 29 You are to abstain from food sacrificed to idols, from blood, from the meat of strangled animals and from sexual immorality.(AP) You will do well to avoid these things.

Farewell.

30 So the men were sent off and went down to Antioch, where they gathered the church together and delivered the letter. 31 The people read it and were glad for its encouraging message. 32 Judas and Silas,(AQ) who themselves were prophets,(AR) said much to encourage and strengthen the believers. 33 After spending some time there, they were sent off by the believers with the blessing of peace(AS) to return to those who had sent them. [34] [d] 35 But Paul and Barnabas remained in Antioch, where they and many others taught and preached(AT) the word of the Lord.(AU)

Disagreement Between Paul and Barnabas

36 Some time later Paul said to Barnabas, “Let us go back and visit the believers in all the towns(AV) where we preached the word of the Lord(AW) and see how they are doing.” 37 Barnabas wanted to take John, also called Mark,(AX) with them, 38 but Paul did not think it wise to take him, because he had deserted them(AY) in Pamphylia and had not continued with them in the work. 39 They had such a sharp disagreement that they parted company. Barnabas took Mark and sailed for Cyprus, 40 but Paul chose Silas(AZ) and left, commended by the believers to the grace of the Lord.(BA) 41 He went through Syria(BB) and Cilicia,(BC) strengthening the churches.(BD)

Footnotes

  1. Acts 15:14 Greek Simeon, a variant of Simon; that is, Peter
  2. Acts 15:17 Amos 9:11,12 (see Septuagint)
  3. Acts 15:18 Some manuscripts things’— / 18 the Lord’s work is known to him from long ago
  4. Acts 15:34 Some manuscripts include here But Silas decided to remain there.