Add parallel Print Page Options

23 at sila ang magdadala ng sulat na ito:

Mula sa mga apostol at mga namumuno sa iglesya.

Mahal naming mga kapatid na hindi Judio riyan sa Antioc, Syria at Cilicia:

24 “Nabalitaan namin na may mga taong mula rito sa amin na pumunta riyan at nilito ang inyong kaisipan dahil sa kanilang itinuro. Hindi namin sila inutusan na pumunta riyan at magturo ng ganoon. 25 Kaya nang marinig namin ito, napagkaisahan naming pumili ng mga tao na ipapadala namin sa inyo para sabihin ang mga bagay na aming napagkasunduan. Kasama nila sina Bernabe at Pablo na minamahal nating mga kapatid.

Read full chapter