Gawa 13:27-29
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
27 Pero ang mga Judiong nakatira sa Jerusalem at ang kanilang mga pinuno ay hindi kumilala kay Jesus bilang Tagapagligtas. Hindi rin nila nauunawaan ang sinasabi ng mga propeta na binabasa nila tuwing Araw ng Pamamahinga. Pero sila na rin ang tumupad sa mga ipinahayag ng mga propeta nang hatulan nila si Jesus ng kamatayan. 28 Kahit wala silang matibay na ebidensya para patayin siya, hiniling pa rin nila kay Pilato na ipapatay si Jesus. 29 Nang magawa na nila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan na mangyari kay Jesus, kinuha nila siya sa krus at inilibing.
Read full chapter
Mga Gawa 13:27-29
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
27 Sapagkat hindi nakilala ng mga mamamayan ng Jerusalem at ng kanilang mga pinuno si Jesus. Hindi rin nila nauunawaan na sa kanilang paghatol sa kanya'y tinupad nila ang mga pahayag ng mga propeta na kanilang binabasa tuwing Sabbath. 28 Bagama't (A) wala silang natagpuang sapat na dahilan upang siya'y ipapatay, hiningi pa rin nila kay Pilato na siya'y patayin. 29 Nang (B) matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa kanya, siya'y kanilang ibinaba mula sa punongkahoy at inilibing.
Read full chapter
Mga Gawa 13:27-29
Ang Biblia (1978)
27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa (A)hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta (B)na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad (C)ang hatol sa kaniya.
28 At bagaman (D)hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.
29 At (E)nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, (F)ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
