Add parallel Print Page Options

11 At ngayon, narito, ang kamay ng Panginoon ay nasa iyo. Mabubulag ka at hindi mo makikita ang araw sa ilang panahon.

Kaagad na nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang kadiliman. Siya ay lumibot na naghahanap ng aakay sa kaniya.

12 Nang magkagayon, nang makita ng gobernador ang nang­yari, sumampalataya siya. At lubos silang namangha sa katuruan ng Panginoon.

Sa Antioquia ng Pisidia

13 Si Pablo at ang kaniyang mga kasama ay naglayag mula sa Pafos at umabot sa Perga ng Pamfilia. Si Juan ay humiwalay sa kanila at bumalik sa Jerusalem.

Read full chapter

11 Ngayo'y parurusahan ka ng kamay ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi mo makikita ang liwanag sa loob ng maikling panahon.”

Noon di'y tinakpan ng maitim na ulap ang mga mata ni Elimas, at siya'y lumibot na humahanap ng aakay sa kanya. 12 Sumampalataya ang gobernador nang makita ang nangyari, sapagkat siya'y namangha sa turo tungkol sa Panginoon.

Sa Antioquia ng Pisidia

13 Mula sa Pafos, naglayag si Pablo at ang kanyang mga kasama hanggang sa Perga sa Pamfilia. Ngunit iniwan sila ni Juan at nagbalik sa Jerusalem.

Read full chapter