Add parallel Print Page Options

13 Pagpasok namin doon, ikinuwento ni Cornelius sa amin na may nakita siyang anghel sa loob ng kanyang bahay na nagsabi sa kanya, ‘Magsugo ka sa Jopa para sunduin si Simon na tinatawag na Pedro. 14 Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong pamilya.’ 15 At nang magsalita na ako, napuspos sila ng Banal na Espiritu tulad din ng nangyari sa atin noon.

Read full chapter

13 Isinalaysay niya sa amin kung paanong nakita niya ang anghel na nakatindig sa kanyang bahay, na nagsabi, ‘Magsugo ka ng tao sa Joppa at ipatawag mo si Simon, na tinatawag ding Pedro. 14 Sasabihin niya sa iyo ang mga salita na sa pamamagitan ng mga iyon ay maliligtas ka at ang iyong buong sambahayan.’ 15 Nang ako'y magsimulang magsalita, bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu tulad ng nangyari sa atin noong una.

Read full chapter