Galacia 6:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Ang tinuturuan ng salita ay dapat magbahagi sa nagtuturo ng lahat ng mga bagay na mabuti.
7 Huwag kayong padaya; ang Diyos ay hindi maaaring lokohin, sapagkat ang anumang ihasik ng tao, ay siya rin niyang aanihin.
8 Sapagkat ang naghahasik para sa kanyang sariling laman ay mula sa laman mag-aani ng kasiraan; subalit ang naghahasik sa Espiritu, mula sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan.
Read full chapter
Galacia 6:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Ang lahat ng pagpapalang tinatamasa ng mga tinuturuan ay dapat nilang ibahagi sa mga nagtuturo sa kanila ng salita ng Diyos. 7 Huwag kayong padaya: ang Diyos ay hindi maaaring hamakin, sapagkat kung ano ang itinanim ng tao ay siya rin niyang aanihin. 8 Sapagkat ang nagtatanim ng mga bagay upang bigyang kasiyahan ang masasamang pagnanasa ng laman ay mag-aani ng kapahamakan. Subalit ang nagtatanim upang bigyan ng kasiyahan ang Espiritu, mula sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan.
Read full chapter
Galacia 6:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Datapuwa't ang tinuturuan (A)sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti.
7 Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang (B)lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
8 Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.
Read full chapter
Galacia 6:6-8
Ang Dating Biblia (1905)
6 Datapuwa't ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti.
7 Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.
8 Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.
Read full chapter
Galacia 6:6-8
Ang Salita ng Diyos
6 Ang mga tinuturuan sa salita ay dapat magbahagi ng mabubuting bagay sa mga nagtuturo.
7 Huwag ninyong hayaang kayo ay mailigaw. Hindi mo maaaring libakin ang Diyos sapagkat anuman ang inihasik ng isang tao, iyon din ang kaniyang aanihin. 8 Ang naghahasik sa kaniyang laman ay mag-aani ng kabulukang mula sa laman. Ngunit ang naghahasik sa Espiritu ay mag-aani ng buhay ng walang hanggan.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
