Galacia 6:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Magtulungan Tayo
6 Mga kapatid, kung may magkasala man sa inyo, kayong mga ginagabayan ng Banal na Espiritu ang dapat tumulong sa kanya para magbalik-loob sa Panginoon. Ngunit gawin nʼyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo dahil baka kayo naman ang matukso. 2 Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo. 3 Kung mayroon sa inyong nag-aakala na nakakahigit siya sa iba gayong hindi naman, nililinlang lamang niya ang kanyang sarili.
Read full chapter
Galacia 6:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagtutulungan
6 Mga kapatid, kung mayroon sa inyong mahulog sa pagkakasala, kayong mga espirituwal ang dapat na mahinahong magtuwid sa kanya. At mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2 Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng isa't isa, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo. 3 Kung inaakala ng sinuman na siya'y mahalaga gayong wala naman siyang kabuluhan, dinadaya niya ang kanyang sarili.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
