Font Size
Galacia 1:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Galacia 1:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen.
Ang Tunay na Magandang Balita
6 Nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng kagandahang-loob ni Cristo[a] at kayo'y bumaling agad sa ibang magandang balita. 7 Ang totoo'y wala namang ibang magandang balita; kaya nga lamang, may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baguhin ang Magandang Balita ni Cristo.
Read full chapterFootnotes
- 6 ni Cristo: Sa ibang manuskrito'y ng Diyos, at sa iba pang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.