Galacia 1:12-14
Ang Salita ng Diyos
12 Ito ay sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro man ito ng tao sa akin. Bagkus, ipinahayag ito ni Jesucristo sa akin.
13 Sapagkat narinig na ninyo ang patungkol sa dati kong paraan ng pamumuhay noong ako ay sakop pa ng Judaismo. Labis kong pinag-uusig ang iglesiya ng Diyos at winawasak ko ito. 14 Nahigitan ko sa pagtupad sa mga kaugaliang Judaismo ang mga kasinggulang ko na aking kalahi. Ako ay nagsumigasig ng labis sa pagsunod sa mga kaugalian ng aking mga ninuno.
Read full chapter
Galacia 1:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng tao. Ito ay ipinahayag sa akin mismo ni Jesu-Cristo. 13 Hindi naman (A) kaila sa inyo kung paano ako nabuhay noon bilang masugid na kaanib ng Judaismo. Masugid kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na wasakin ito. 14 Tinupad ko ang kaugaliang Judio (B) nang higit pa kaysa ginawa ng maraming Judiong kasing-edad ko. Ito'y dahil sa aking maalab na malasakit sa kaugalian ng aking mga ninuno.
Read full chapter
Galacia 1:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, o itinuro man sa akin, kundi sa pamamagitan ng pahayag ni Jesu-Cristo.
13 Sapagkat(A) inyong narinig ang uri ng aking dating pamumuhay sa Judaismo, kung paanong marahas kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na wasakin ito.
14 At(B) ako'y nanguna sa Judaismo nang higit kaysa marami sa mga kasing-gulang ko sa aking mga kababayan, higit na masigasig ako sa mga tradisyon ng aking mga ninuno.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
