Filipos 4:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Alam ko kung paano maghikahos, alam ko rin kung paano managana. Sa lahat ng bagay at anumang kalagayan ay natutuhan ko ang lihim sa pagkabusog, at sa pagkagutom, at maging sa kasaganaan at sa kasalatan. 13 Ang lahat ay magagawa ko sa pamamagitan ni Cristo na nagbibigay-lakas sa akin. 14 Gayunma'y napakabuti ng ginawa ninyong pagdamay sa aking paghihirap.
Read full chapter
Filipos 4:12-14
Ang Dating Biblia (1905)
12 Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.
13 Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.
14 Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.
Read full chapter
Philippians 4:12-14
New International Version
12 I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret of being content in any and every situation, whether well fed or hungry,(A) whether living in plenty or in want.(B) 13 I can do all this through him who gives me strength.(C)
14 Yet it was good of you to share(D) in my troubles.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

