Add parallel Print Page Options

Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig, (A)at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus, at sa lahat ng mga banal;

Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa (B)sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo.

(C)Sapagka't ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig, sapagka't (D)ang mga puso ng mga banal ay (E)naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid.

Read full chapter

sapagkat nababalitaan ko ang pag-ibig na ipinapakita mo sa lahat ng mga banal at ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus. Idinadalangin kong ang pamamahagi mo ng iyong pananampalataya ay maging mabisa upang lubos mong maunawaan ang mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo. Kapatid, nagdulot sa akin ng malaking kagalakan at aliw ang iyong pag-ibig, sapagkat dahil sa iyo'y nabuhayan ng loob ang mga banal.

Read full chapter